Advertisement

Friday, April 06, 2007

Snore, snore, snore-Pinay Goes to Sleep

Dear insansapinas,

Balak ko sana insan na trabahuhin na yong mga papeles na nakatambak sa aking desk.
Pero ewan ko kung ano ang inenject sa akin kahapon na naging antukin ako. Hindi ako natutulog ng kahit isang minuto sa araw. Panay ang isip ko at gawa. Pero itong araw na ito, hindi pa man ako nakakabihis, balik ako sa bed. Nork ngork ngork.

Nang magising ako, alas onse na. ahay. Tapos, mulat lang ako nang kunti, tulog na naman. Yon bang parang hinihila ako na matulog. Nang magising ako ay alas tres na.
Heh, hindi na ako nakaalis ng bahay.

Kaya akala ko, hindi ako makakatulog ng maaga. Hindi, alas otso pa lang, antok na antok na ako. Kaya lang hinihintay ko ang resulta ng American Idol para malaman ko kung matatanggal na si Sanjaya. ZZZZZZZZZZZ


Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika

Related Article



,,,

No comments: