Advertisement

Sunday, February 19, 2012

Surgery Day 3

Dear insansapinas,
Dumating yong partner ng doctor ko. Pwede na raw akong umuwi. Makakapagpahinga pa raw ako sa bahay. Hige. Sabi noong chef, pababaunan niya ako ng soup. Pinuri ko yong sabaw nila. Pero nakaalis-ako't nakaalis, wala yong pabaon sa akin. Bolera.


Kasi busy sa mga insructions ang nurse. Isa na doon ay yong Jackson Patt drain na inilalagay after breast surgery para masuck yong bloody liquid na cause ng surgery. Kagabi, hindi siya nagwork, sa labas siya ng drain, tumatagas. Para tulo akong sinaksak sa likod. Ngiii. Kaya takbo naman kami sa emergency para ipaayos. Sus. Habang naglalakad ako sa emergency hall, tulog yata ako. hahaha.


Pinasaamerika

No comments: