Advertisement

Tuesday, February 14, 2012

The Bank Run and the Poor People

Dear insansapinas,


Madalas kong mabasa na wala raw pakialam ang mahihirap dahil hindi naman sila apektado ng impeachment trial at ng bank run kung saka-sakali. Hindi raw ito maglalagay ng pagkain sa kanilang mesa. Mali. Mag-aalis ng pagkain ito sa mesa ng mahihirap.  Sa bank run pwede silang mahagip ng mga tumatakbo. ERASE, ERASE.


Ang capital ng mga negosyante, foreigners man o local ay nakasalalay sa mga perang idenideposito sa savings bank. Dahil sa liit ng interest dito, ang mga capitalista ay umuutang ng perang nakalagay sa savings deposits sa mababang interest lang. Ang checking or current account ay di tumutubo dahil ito ay mabilis ang galaw. Ginagamit ito sa pagbayad ng mga expenses na araw-araw ay ginagastos ng negosyo. Ang mga money market placements sa commercial or universal banks ay nagtatagal lang ng 90 days o mahigit kaya baka ang panahon ay di sapat para mabawi ang perang iniinvest sa negosyo.





Kapag nagkaroon ng bank run, maaring withdrahin ng depositors ang pera at wala ng mapapahiram ang banko. Wala na rin silang maipapautang sa mga negosyante. Magkakaroon ng pagbawas sa mga trabahador na karamihan ay mga mahihirap.


Noong nagtrabaho ako sa semi-conductor, ang aming suweldo ay nanggagaling pa sa Hongkong kung saan nakadeposito ang aming account. Ang negosyo nasa Pilipinas pero ang mga bayad at gastusin ay nanggagaling sa banko sa Hong Kong. Yon ang panahon na hindi matatag ang katahimikan sa bansa. Kaya takot ang mga investors tuluyang dalhin ang pera nila dito. 


Ang isang dahilan kaya maraming dollar reserves ang Pilipinas ay dahil sa remittances ng mga OCW at overseas Pinoys. Kung wala tayong dollar reserves, tuwing kailangan natin ng dollar, tayo ay bibili sa foreign currency market na mas mataas ang halaga dahil ito ay buying transaction. Mas mababa pag sales transation.


Dahil sa mas mataas ang bayad sa dollar, ang anumang extra na ibinayad ay idinagdag ng mga negosyante sa kanilng presyo. Kagaya ng bigas. Maaring noon pa inani ang bigas kaya lang dahil sa pagtaas ng gasolina, presyo ng fertilizer at pesticides dulot ng pagbili ng dolyar at a premium, tumataas din ang presyo ng bilihin,


Dahil din sa bank run, maaring ang mga dayuhang nagnenegosyo ay magbawas ng mga tauhan para makatipid o kaya ilipat na nilang tuluyan ang kanilang negosyo sa mga bansang ang target ay tumaas ang GDP nila.


Pero sino ang makakaunawa nito, ni ang impeachment trial hindi nila maintindihan. Bukod sa ang mga ginagamit na mga terms ay legalese, talagang pinalalabo pa rin ang mga pangyayari. 


Pinaysaamerika

No comments: