Advertisement

Tuesday, February 21, 2012

Stereotyping

Dear insansapinas,


By the time the Gonzales bill is approved, a new sterreotype for congressmen has been formed in the minds of the people- -that is palaging nasasabon, palaging napapagalitan at kulang na lang sabihing mg estupido. Pero di ba kahit si Farinas, kasama sa nagpahiwatig niyan sa mga nagsampa ng impeachment trial?
Ngsayon sinabi na talaga ni JPE na walang kakuwenta-kuwenta ang mga articles of impeachment. 


Sa Pilipinas ba naman na walang respeto sa mga may disabilities at matatanda ang mga tao.  Pag matanda ka na ay considered ka ng senile,(tawag saiyo ULYANIN)  kapag bingi ka at hindi ka makausap ng normal na communication, isa kang dumb at ang tawag saiyo BINGI. At kung ikaw ay walang modo, ikaw ay mahirap na walang kultura. Samantalang mas may mayayaman pa ang masasama ang ugali kaysa mahihirap.


Kaya kung sumingasing ang buwaya dahil na ikukumpara sa kanila ang mga congressmen, may karapatan sila. Ang mga buwaya ay humihinto ng pagkain kapag busog na sila. Minsan ay natutulog lang sila at gumigising pag nagutom.  Ang mga congressmen ay sinasaid kung ano man ang kinukuha nila sa pork barrel, kung ano mang bribe ang natatanggap nila sa mga taong gusto ng padulas maling gawing ginagawa nila e.g. pagpuputol ng mga puno, pag-illegal mining. 


Talking about bribe, ang pagpresenta ng VP sales ng Pal para ipakita ang mga ticket na ibinigay ng libre kina Corona ay parang sinasabing bribe para baguhin ang multimilyong kaso ng labor union dispute.


Ibig bang sabihin ng prosecution, ganoon kacheap ang CJ na sa 18  ticketa na ang  iba sa mileage pa yata nakuha ay masyadong mababaw ang kaligayahan at sa ticket lang ay papanalunin na ang PAL? Ewan ko ha pero pag-iisip ito ng sinasabing apektado na sa 



utak ng gamot na iniinom  naman ng mga cancer survivors na sana ay may tileleling na rin. Noong tinulungan ko siya sa lahat ng kaniyang mga papeles, sa trabaho, sa imigrasyon at maging sa balak niyang retirement ay hindi niya nasabi yon. ahem.


Bago pa man naresolve kung sino ang mag-uuwi ng bangkay ni Iggy, isinulat ko na ang mga practices dito na hindi kailangan ang legal na asawa ang magdecision sa disposition ng katawan kung hindi kung  sinong in-authorized ng namatay. Dito sa States kung saan ginawa ang advanced medical directive, living testament o kaya power of attorney ay inonor din si UK kung saan ang next of kin rules nila ay halos kapareho ng sa US. Ang pasyente ang sinusunod kung sino ang pagbibigyan ng katawan.


ITong mana na naman ang pinag-uusapapan nila. Alam kaya nila na ang power of attorney na notarized sa ibang bansa at sa kunsolado o embahada ay sinusunod din sa Pilipinas? Kahit na citizen pa ang gumawa ng power of attorney. 


Pinaysaamerika

2 comments:

biyay said...

Kung ipapasa ang Gonzales bill, parang violation na yan ng freedom of speech ng mga tao. Karapatan ng mga tao na i-criticize ang mga elected officials nila. besides, ang mga officials, hindi dapat balat sibuyas sa mga pintas sa kanila ng mga tao. matagal nang desisyon yan ng Supreme Court sa ilang mga kaso (panibagong impeachment trial na naman ito). ang dapat mag-reklamo, yung mga buwaya.

cathy said...

wla na silang maisip na batas? The other month naman yong pagconvert ng Mabalacat to city ang ipinapapasa.

Ayaw talaga nilang magasgas ang kanilang mga utak.

Dapat ma-unite din ang mga crock at kumuha ng spokesperson para sa kanila.

dito nga pati ptesidente ng nation naipapalabas na kontrabida. Remember yog Absolute Power.