Advertisement

Wednesday, February 15, 2012

Breast Surgery

Dear insansapinas,
 Pwede ko ng ibaba ang telepono, naischedule din ako matapos matulog ng dalawang Linggong natulog ang aking medical clearance sa opit ng aking primary physician. Ang mga hunghang. Tatlong medical facilities ang binuno ko--yong surgeon--yong primary physician at yong ospital. Kulang na lang sabihan ko yong Nurse na mumultuhin ko sila pag di sila umayos. Yong nurse naman ng aking surgeon talaga ang humingi ng sched sa ospital pero may preference ako eh. (Namili pa). Isa pa kailangan Biyernes para di ko mamiss yong impeachment trial. TOINK.



Kahapon nasa bathroom ako ng tumunog ang telepono. Of all places. Yong ospital, nirequire akong gumawa ng medical records sa database nila sa kanilang website para yon na lang ang kanilang ipiprint. Siguruhin ko raw hindi PEKE. hehehe. Pagbalik ko, hindi ko alam kung saan ko nailagay yong toilet paper. Hindi makita sa CCTV. Sus.

Tapos kanina ay tatawag daw sila para interviewhin ako para itanong ang medical history ko, blah blah, eh nakita nilang tapos na yong aking medical records, Tinanong niya kung sino raw ang gumawa, Mangani-nganing sabihin kong yong small lady dahil hindi naman ako SMALL. toink.

 Tinanong ako ng kaibigan ko kung ako lang ang nag-aayos ng aking mga kailangan. Sabi ko, oo naman. Kahit noong bata pa ako pag may problema ako, WALA AKONG HIYANG pumasok sa opit ng principal at sabihin ang aking problem. I tried not to bother my parents regarding my problem. 


Pero kapatid ko ang  bibitbit sa akin dahil kailangang alas sais nandoon na ako kahit tanghali pa ang actual surgery ko. Dadalhan pa niya ako ng libro para mabasa habang nagrerecuperate. 


Sabi ng iba bakit daw parang hindi ako takot dahil surgery sa breast cancer yon. Ako, hindi takot? Hindi nga, Hindi ako t-a-k-o-t. blag.
(biglang hinimatay).


Pinaysaamerika

No comments: