Advertisement

Monday, February 20, 2012

Buwaya, Belo, Wheelchair at mga Congressmen

Dear insansapinas,
 Si Congressman Gonzales, walang magawa, nagfile ng bill na huwag i-typecast ang congressmen bilang mga buwaya.


Sino naman ag magigimg representative ng mga buwaya na huwag silang ihalintulad sa mga congressmen.

Nasaktan naman ako ng may nagsabi sa akin na affected  na ako ng meds na tinititake ko--that is wala raw sa logic ang sinasabi ko. Imbes na tanungin how am I, ayaw niya akong kausapin ng sinabi ko na hindi pa batas ang Medicare na madala sa Pilipinas. Ang apektado lamang sa akin ay ang pagiging sleepy. Kahit naglalakad pwede akong tulog. May nakakalimitan ako pero sino ba ang hindi makakalimutin kahit may mga reminders. Kung gawin kasing balita ng mga Pinoy ay aprubado na. I-email pa. Di pa man nababasa ang laman ng e-mail, paniwala na ang mga tao.Pinaniwalaan pa niya ang ibang tao kaysa sa akin. Hmpppttt. Bahala siya.

Siguro kailangan din patingnan ang isang high profile na cosmetologist na dumating sa airport ng nakawheel chair at nakasuot ng belo para raw di makilala.  Sus, nong makita ang media biglang naglitaniya na naman tungkol sa kaniyang boyfriend. 


Kahit na hindi nagtetake ng meds naapuktuhan din ang intelligence ng tao. Tingnan mo ang senadora na ang eyebrows yata ay permanente nang nakapaste taas kaniyang noo. Sinabi na nga ng Presidente ng Bangko na malayo ang original sa photocopy dahil ang word MANILA ay magkaiba ang ispeling piniilit pa rin na baka photocopy ang original lang at may idinagdag. Para lang makapagsalita ha? Doon sa isa ay MNL at sa isa ay LA ang last two letters. Kahit naman hindi ka signature expert may idea ka ring peke ang signature kung ang isa ay di masyadong diin at may tremour at ang isa ay solid. Hindi ko maintindihan bakit ipinagtatanggol nila ang mga nagkasalang mga congressmen. Hindi pa naman tapos ang impeachment trial. Kung may kasalanan talaga si Corona, parusahan, bakit nagkakandarapa silang ideclare kaagad na guilty. Lahat ng witnessses nila ay hindi na pabor sa kanila.


Ang mga prosekusyon ay wala nang ginawa. Si Drilon na lang, si Osmena, Pangilinan at ang iba pang senador ang nagtatanggol. 


Ngayon pinalalabas nila na inaudit si Corona ng Bangko ng Pilipinas at ng AMLA. Ang dalawang ahensiyang ito ay mga procedures ang inaaudit kung sumusunod sila regulations.


Ang ikinatatakot ni Senator Arroyo ay magamit ang dalawang agencies na ito para i-harass ang mga PEP. Politically Exposed People.


Ngayon siguro nagwiwithdrawahan na ng mga deposits ang mga senador, congressmen na may mga malalaking deposits.


Pinaysaamerika

No comments: