Advertisement

Friday, February 03, 2012

Ang Beautician, Bow and the Lessons I learned

Dear insansapinas,


Dati beautician tawag sa kanila, ngayon fashion stylist na--kesehodang sila mismo ay out of fashion at make-up lang at buhok ang kanilang kinukutingting.


Importante sila sa mga gustong lmabas na maganda sa mga photoop, sa TV at mga personal appearances--kesehodang ang kapal ng make-up ay pwede mo nang ipalitada sa walkway ninyo.


Pag may tagihiyawat, takip ng make-up, pag may mga cellulite, takip ng damit, blah blah blah.


Pero meron pang isang beautician na hindi make-up kung hindi ang panulat ang ginagamit, lalo na sa pulitika at show business. Sila ang mga PR people. Kapag mayroong iskandalo, bitbit nila ang kanilang kliyente, kukuha ng mga mahihirap na mga tao, kukuha ng mga supot na kung ano ang laman ay di mo alam, reretratuhin at sasabihing namigay ng mga relief goods kahit na ang dumaan na bagyo ay matagal nang nawala sa balita.


Ang pinakapaborito nila ay ang pagkakasakit ng kanilang kamag-anak, ang pagkamatay ng kamag-anak na ni hindi naman niya nakita. May alam ako na pag siya ay nakicriticize, palagi niyang ginagawang dahilang ang lola niya. Nang mamatay naman, ni hindi mo nakitang mag-grieve. TSEH.


Hindi pa tayo tapos.


Sa itaas ng hierarchy, ang tawag sa mga "beautician" o PR machinery na ito ay image consultant. Sila ang tagawisik ng pabango sa mabahong personalidad na pulitiko, sila ang naglalabas ng mga write-up na paborito sila ng mga tao kahit hindi totoo  at kung pwedeng gumamit sila ng love angle para kiligin ang mga tao, gagamitin nila. (kaya ba hindi ako sumulat tungkol sa latest gossip in town). Sabi nga ng aking favorite writer, there are no coincidences in the world.



 Hohum. Ayoko na tuloy manood ng DVD. Pero hindi talaga ako nanonood ng DVD lalo pirated, nadadivert ang attention ko sa ibang bagay. TSEH. Kaya nga ba gusto ko si Eli Gold. Sinosiya? Siya ay isang character sa The Good Wife who can avert moral crisis and implement an effective damage control for his clients who are having negative publicity. I liked him when he pretended he liked a girl so he can win her trust and project an image that he is also capable of loving.  Besides, that was good for his client--helping a minority. Taas kilay.


Lessons Learned
It is not only the students who learn from the teacher. The teacher too. Let me essplain.


1. You can not persuade a student to make good in the subject if that is not really his objective in coming to class. Pwedeng dahil sa barkadahan, pwedeng dahil requirements lang at pwedeng isa lang yong paraan para masabing serious siya. Kaya kahit pukpukin mo na bumababa ang kaniyang grade, magrarationalize lang yon na for him/her that's good enough.


2. In a school environment, peers are great influencer of a student. May mga sumpaan pa yan. Walang iwanan, walang laglagan at sama-sama, magpakailanman. Utang na loob is preferred than competence and blurred visions are not only symptoms but disease itself. So pagnahuling nandaya ang isa, huwag mong asahan na hindi nila kakampihan. Ang pagcondemn sa kaniya ay pakitang tao lamang.


3. There are students who want to be popular because of excellent performance. There are students who want their own objectives--even revenge.


And beautician or image enhancer has  important tasks to discharge...beautify and deodorize.
Pinaysaamerika

No comments: