Advertisement

Saturday, February 25, 2012

Cheap

Dear insansapinas,

Maghapon last Friday kami ng kapatid kong pumunta sa mga especialista. Pinakahuli yon surgeon na nag-opera sa breast cancer ko. Aalisin na sana niya ang drain pero hindi pa raw pwede kaya reschedule ako next week.


Sabi ng  aking kaibigan na nurse, ang cheap ko raw. Buy one, take two ako nang sinabi ko sa kaniya ang findings. Dalawang separate cancers ang inalis niya sa isa ko lang breast. Normally, isa lang at maraming mga nodes. Ang dalawa ay may sarli silang mundo sa -isa't isa.


Biruan lang namin yon. Uncomfortable kaming mag-iyakan o malungkot kaya pabiro lahat an trato namin sa kaganapan sa akin. 


Anyway, pagnapag-uusapan namin ang ibang fwends namin, (mahilig sa hearsay) maswerte na rin ako. Malayo pa ang lalakbayin nila at hindi pa nila alam kung ano pa ang kanilang masasalubong sa daan.

Sabi nga ng aking isang specialista, Good luck. mwehehe.  

Ako alam ko. Dinuguan. Pumunta kami sa Filipino store kung saan bumili ako ng dinuguan, chicharon, sapin-sapin at turon. yum.


Pinaysaamerika

No comments: