Advertisement

Tuesday, October 11, 2011

Pinagbiyak ang Bunga

Dear insansapinas,


Kagabi, nandoon si Cher sa Dancing with the Stars para i-cheer ang anak niyang babaeng naging lalaki si Chaz. Kahit hindi maganda ang sayaw ng anak, nagkakandaluha siyang palakpak sa kaniyang nina eheste nino bonito. 


Ganiyan ang mga magulang. Proud sa kanilang mga anak. Kahit na mga mukhang bulate ang drawing na ahas, sasabihin pang ang ganda. Ang galing talaga ng anak ko. Natural na reaction ito. Ang downside lang nito, kung minsan nagkakaroon ng effect sa peronality ng bata e.g. hindi makatanggap ng criticism, feeling na lagi siyang magaling at overconfident. 


Pasakalye lang yan. 


Siguro naman alam na ninyo ako'y kumakain ng numero umaga't gabi dahil ako ay Accountant. ( Kuleeet ko). 
Aside from that kumakain din ako ng mga estudyante. (ahek) dahil nagturo ako noon sa halos lahat yata ng universidad sa university belt, Taft Avenue  at sa isang city funded university kung saan ako ay naging CHEAP. (dean).


Ngayon dalawa sa tsikiting gubat ko ang parang pinagbiyak ang bunga ng aking profession, Si Tsikiting Gubat Girl ay ang kumakain ngayon ng numero (mas madali na nga lang dahil meron ng mga accounting software) at ayon nagpapawis sa San Francisco para sa kaniyang MBA.
Gusto rin sigurong magturo sa Graduate School.  Ang Tsikiting gubat  boy ko naman ang kumakain ng mga estudyante dahil nagtuturo siya sa isang university. 


Pinilit ko ba sila sa kanilang profession? Hindi. Si Tsikiting Gubat Boy ay kumuha muna ng Physical Therapy pero hindi nagustuhan kaya nagbago ng career. Pagkagraduate niya kinuha siyang magturo. Huminto siya sandali para magtrabaho sa industry at ngayon ay bumalik siya.


Si Tsikiting Gubat Girl ay talagang gusto na niya ang numero. Sa edad na 5 taon, binibisnis na niya ang binibili kong yellow pad. Ipinabibili per piece. Ang damuho. Capital ko, profit niya. Nagtinda rin ng ice candy na ang flavor ay Ovaltine. Kanino pa galing ang capital? Di sa kaniyang mommy na binibili ang ovaltine para sa kanilang breakfast. Ohoy.



Pero ang di ko alam pinagtsisimisan pala ako ng mga lintik na yan. Ngayon lang sinabi ng aking Tsikiting Gubat Boy na kung paano ako magtago pag submission ng mga final reports pag nakalampas na ang deadline at kung paano ang mga estudyante ay umaabang para lang mai-submit ang kanilang mga papel. Matindi ako sa ako sa time. 


Ang isa ko pang tsikiting gubat na iba naman ang profession ay gusto ring magmaster sa kaniyang profession na nursing. Sana kung makatapos siya ay magiging Nursing Practitioner siya kung saan dito sa States at nakakapagprescribe na rin sila ng meds.  Kaya lang pag ang significant other mo ay insecure na lalo kang magogrow sa profession, walang mangyayari. 


Tanong ng aking kaibigan kung tinulungan ko ang aking mga Tsikiting gubats sa kanilang mga projects at assignments noon. Hindi. 
I offer suggestions pero hanggang doon lang.  Ibig kong matuto silang makibuno sa buhay. Wala ako doon pagkukuha sila ng mga Admission tests. Wala ako doon pag kukuha sila ng mga licensing tests. Wala ako doon pagnag-apply ng trabaho. 


Pero sabi nga ng aking Tsikiting Gubat Boy. Mommy, mahigpit ako sa aking mga estudyante para matuto sila. Sabi ko kaiinisan siya ng mga estudyante. Kagaya ko noon ilang beses nagdemonstrate ang mga estudyante para ako patalsikin sa isang exclusive school dahil hindi ko inaallow ang mga kababaihang magpabeauty habang ako ay naglelecture. Ano sila sinusuwerte?  Pero isang semester lang ako nagturo doon. Sabi nga ng aking Tsikiting Gubat, pag nanggaling ako doon, hindi maipinta ang aking mukha pagbaba ko ng kotse. TSEH. Kaya sabi ko sa kaniya, do not make it your bread and butter para hindi ka kagaya ng ibang nagtuturo na "liniligawan" at sobrang friendly sa mga estudyante para mag-enroll sa klase nila. 


Pinaysaamerika

No comments: