Hindi naman siguro dahil sa paninigarilyo isinugod and superstar sa ospital. Hindi rin siguro sa mababang rating ng kaniyang teleserye. Malalakas ang katapat niya at mahirap matalo ayon sa nanay ng kaibigan ko na nakakalimutang sabihin sa anak na nagreturn call ako kaya lang masyado siyang engrossed sa pinanonood niyang teleserye. Yon na lang naman kasi ang libangan niya rito sa States.
Ito ang balita.
Isinugod umano sa ospital ang Superstar na si Nora Aunor nitong Martes, ayon sa kanyang matalik na kaibigan at manager na si German “Kuya Germs" Moreno.
Sa kanyang radio program na "Walang Siyesta" sa dzBB radio nitong hapon ng Martes, sinabi ni Kuya Germs na posibleng sobrang pagod sa trabaho ang dahilan ng pagkakasakit ng batikang aktres.
Bukod sa sobrang pagod, hinihinala ni Kuya Germs na maaaring nakaapekto rin sa kalusugan ni Aunor ang pabago-bagong panahon sa Pilipinas.
Katunayan, sinabi ni Kuya Germs na maging ang beteranang aktres na si Gloria Romero ay masama rin umano ang pakiramdam nang makasama niya.
Nagdiwang ng kanyang kaarawan si Kuya Germs nitong Martes (Okt 4), at ipalalabas ang kanyang birthday celebration sa TV show na "Walang Tulugan" sa GMA 7.
Ako nagkakasakit pagbalik ko dito sa States.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment