Advertisement

Saturday, October 22, 2011

Are You Going To Live and Marriage of Convenience

Dear insansapinas, 


Are you going to live?
Last Thursday, punta ako sa podiatrist. Isa siyang doctor na ang specialization ay sa mga paa. Rekomendasyon ng aking primary health care provider noon pang early part ng 2011 pero dahil inuna ko ang aking surgeries sa cancer, idinefer ko muna. Isa sa mga itinatanong, either sa questionnaire o ng doctor kung ano ang mga gamot na iniinom, kung kinatay ka na (surgery) at ang family history kung hero or heroine ang iyong ninuno. (guffaw).


So tanong sa akin ng doctor kung kailan ang latest surgery ko. Sabi ko noong March. Tinanong niya kung saan. Sabi ko sa liver. Nang malaman niya sa liver, tanong niya so are you going to live? TOINKZZZ.
Malay ko. Malay mo at malay nila. 


Tapos binalutan niya ng bandage ang aking paa. Kasi naman yong paa ko, noong malaman yatang pupunta ako sa podiatrist, sumakit naman. Kaya ngayon nakaankle brace ako. Sabi niya okay naman ang aking paa. Okay naman ang blood circulation. Limang taon pa lang naman ang diabetes ko. Yong daw ibang pasyente niya 35 years na. Ngiiiii. At siyempre, pinutulan niya ang aking mga kuko sa paa. Dapat daw siya puputol noon dahil risky pag sa pedicurist o kaya DIY (do-it-yourself). 


Marriage of Convenience
Bakit naman kailangan pang interviewhin at tanungin si Cora Pastrana (ang babaeng pinakasalan ni Raymond Bagatsing) kung marriage of convenience ang kanilang kasal. Parang signage sa Hollywood. Yon ang lalaki ng letra. Sino naman kasi ang aamin na marriage of convenience yan, eh pag nabasa yan o may magsumbong sa INS, lagot sila. Except ang US citizen. Ang asawa lang niya ang mapaparusahan pag nalamang sham marriage yon.


Maraming mga Filipino ang nakakalimot na wala ng barrier ngayon ang communication. Kung noon naitatago pa ng mga ta-artits ang kanilang mga sekreto pag nasa abroad na sila, ngayon ay hindi na. 


Hindi raw niya penitition ang kaniyang asawa. So how did he get his green card. Thru employment? Kung employment yan, sinong employer ang nagpetition for green card. More than three years ang kailangan para sa ganitong petition. Ang working visa ay good for three years only at may chance na marenew ng another three years habang hinihintay ang green card.  Family-based? Sinong kamag-anak ang nagpetition? 


Ang pinakamadali talaga ay ang pag-aasawa ng isang US citizen dahil kahit overstaying tourist ka ay mapapatawad yon lahat except kung merong kaso o kaya ay nagsinungaling kung paano nakarating sa States. Kagaya ng kaibigan ng kaibigan ko na kahit nag-asawa ng US cit. hindi pa rin siya nabigyan ng green card dahil hindi niya masagot bakit kailangan niyang magpapolitical asylum.


For an alien who married a US citizen, it takes three years to get the permanent green card and there are papers that the petitioning spouse has to sign so that the beneficiary of the petition will be able to get the permanent green card. Before this, temporary green card lang ang ibinibigay.  If they divorce in less than three years, the green card holder can not apply for US citizenship. He has to wait for 2 years more.



Hindi naman daw sa kaniya nanggaling ang green card so anong legalities ang kailangang i-settle nila ngayong malapit na ang ikatlong taon ng kanilang pagpapakasal. Divorce? Ang divorce naman ay thru court dumadaan. Sila ang nagseserve. Pag walang anak, walang mga custody issues na makakatagal sa process. Kahit hindi pirmahan yon ng
idinidivorce ay pwede pa ring approved ang divorce thru default. 


Sana hindi na siya nagsalita. Tutal hindi naman siya kilala. She can easily come and go sa Pilipinas na walang makakapansin.  Lalong masakit yong naikukumpara siya doon sa bagong girl friend. Masakit aminin ang katotohanan na minsan talaga namang hindi ka mahal. Magpantasya ka na lang. 


Bakit ba ako nakikialam? Boinkkk. 


Pinaysaamerika 



No comments: