Advertisement

Wednesday, October 26, 2011

Entertainment Galore

Dear insansapinas,

Buhay ang show biz ngayon. Daming hiwalayan.


Una si Shaina Magdayao  at si John Lloyd Cruz. Selos ang dahilan.
Ikalawa. Natanggap na ni KC Concepcion na talagang walang kiber sa kaniya ang kaniyang boypren na si Piolo Pascual. (May pag-asa na naman si Biyay) kaya lang ang kalaban niya ay CC. Taga call center daw.


Hiwalay na rin daw si Christopher de Leon at si Sandy Andolong. Ngayon pa.


Pero ang pinakamatunog na balita ay ang hiwalayan ni Raymart Santiago at Claudine Barreto dahil may limang milyon ang halagang involved. WOW. Sayang ang multi million nilang kasal five years ago.






Hindi matutuloy ang hiwalayang Jinkee at Many. Salamat sa Ferrari. Sus.


Sa Dancing with the Stars, may giyera patani si Len (isang judge) at si Maksim, isang professional dancer. Hindi nagustuhan ni Maksim ang sinabi ni Len.


Nagalit din si Cher dahil sa pagbigay ng iba't ibang pangalan sa unico hijo niyang si Chaz. Una ay cute ewok (kahit na ba may cute, ewok pa rin yon) troll at penguin. Unfair nga nga naman yon. Personalan na iyon. Dapat magcocomment lang ang mga judge sa kanilang maling dance steps.


Ang hindi pinansin ay yong Cora Pastrana at Raymond Bagatsing. Sabihin mo ba naman na nagmamahalan kayo eh maliwanag pa sa araw na pinalitan ka na. Tseh.


Pinaysaamerika

No comments: