Advertisement

Sunday, December 04, 2011

Worlds Dumbest Killers

 Dear insansapinas,

Meron ditong palabas na worlds dumbest criminals na talaga namang nakakatawa. Hinaluan pa ng mga komentaryo ng mga comedians, talagang hahagalpak ka ng tawa.

Meron din tayong version pala.

Dalawang suspects ang nakakulong sa pagpatay kay Ramgem anak ni Senador Ramon Revilla, Sr.

Nabasa ko ang article ni Raissa Robles tungkol sa salaysay ng dalawa,
Katulad ni Robles, talaga namang humalakhak ako sa mga nabasa ko. Ito share ko sainyo ang selected paragraphs sa kanilang affidavit.
14.Bago kami pumasok ni Mario sa loob ng bahay ay tinawagan muna ni Brian si Maria Ramona o Mara na nuon ay nasa loob ng bahay at tinanong kung gising pa si Ramgen. Sinagot siya nito nang “Oo. Kakukuha lang ng inumin.”
15.Madali kami nakapasok dahil bukas ang gate, bukas ang main door at nakabukas din ang ilaw sa sala. At nang paakyat na kami ng hagdanan papuntang 2nd floor kung saan andun 
ang kuwarto ni Ramgen ay nagulat kami ng makita namin ang malaking litrato ni Sen. Ramon Revilla, Sr. sa ibabaw ng piano at kinabahan kaming dalawa at natigilan pa kami sa paglalakad. Laking takot at nerbiyos ang naramdaman ko dahil kilala at maimpluwensiyang tao ang ama ng taong papatayin namin. Pero dahil nanduon na kami at nagamit ko na rin ang perang binayad sa akin ay napilitan na kaming umakyat at ituloy ang plano.
16.Ako ang may hawak ng baril na .45 at ang plano ay si Mario ang kakatok sa kwarto ni Ramgen at kapag lumabas ito ay babarilin ko pero hindi natuloy dahil walang dalang baril si Mario at ayaw niyang maipit kung sakasakali kaya bumaba kami at pumunta sa Montero. Sa pangalawang pagakyat namin ay si Mario na ang humawak ng baril at ako dapat ang kakatok tapos ay tatakbo ako sa likod ni Mario dahil ako naman ang mawawalan ng baril ngunit ayaw naman
n ni Mario na ako ay pumunta sa likod niya kaya bumaba kami muli. Sa pangatlong pagakyat namin ay ako na muli ang humawak ng baril pero nasa hagdanan pa lang kami ay umayaw na si Mario dahil hindi daw siya komportable na walang baril kaya bumalik kami ng Montero at sinabi kay Brian na kailangan naming bumalik sa bahay upang humiram ng baril si Mario sa kumpare niya.
17.Galit na galit si Brian sa amin pero wala siya magawa kaya bumalik kami sa Tramo mga bandang 2:00 AM. Ayaw nang sumama muli ni Mario dahil natakot daw siya kaya ang anak na lamang niyang si Michael Nartea ang ipinasama sa amin na kagigising lang ng mga panahong iyon at bigla na lamang pinasakay sa Montero.
18.Pagbalik ng BF Homes ay si Brian na ang nag-drive upang mas mapabilis daw. Pagdating namin sa bahay ay nagtalo pa kami sa sala ni Michael dahil hindi naman daw namin sinabi sa kanya na anak pala ni Sen. Revilla ang aming titirahin sinabi ko na lang na nagkasubuan na kaya ituloy na lang namin. Nuong umaakyat kami ng hagdanan ay maingay ang tsinelas na suot
ni Michael kaya bumalik pa kami ng Montero at pinahiram ni Brian ang sapatos niya kay Michael.
19.Nang nasa hagdanan na kami ay tinanong ni Michael kung nasubukan na daw ba namin iputok ang .45 dahil baka daw mag-jam ito. Ang sabi ko hindi pa kaya bumaba uli kami ng hagdanan. Nang aakyat na uli kami ay pareho kaming kinabahan dahil natakot kami sa litrato ni Sen. Revilla, Sr. na nasa ibabaw ng piano dahil sa nanlilisik nitong mata. Kaya’t dali dali kaming bumalik sa Montero at dinala uli kami ni Brian pabalik sa Tramo at pinagalitan kami dahil hindi na naman daw namin nagawa ang plano pero sinabi niya na ulitin na lamang daw namin uli mamayang gabi.
20.Nang makauwi kami ay nagsabi sa akin si Michael na wala siyang pera pangkain ng mga anak niya kaya hindi na ito makakasama sa akin ng gabing iyon dahil kailangan niya muna maghanap ng makakain ng pamilya niya. Dahil dito ay sinangla ko muna ang .45 na baril na gagamitin namin sa halagang P3,000.00 at binigay ko ang pera kay Michael para may panggastos siya.

21.Nang mga bandang 11:00 PM ng araw ding iyon ay tinext ako ni Brian at pinapupunta kami sa BF Homes para ituloy ang planong pagpatay kay Ramgen pero hindi ko pa nuon sinasabi na isinangla namin ang baril at wala kaming baril na magagamit. Pero napilitan na rin kami magsabi kaya bumalik kami sa amin sakay ng Montero na minamaneho nuon ni Mara upang tubusin ang sinangla naming baril.
23.Habang nakatayo si Michael sa hagdanan hawak ang baril ako naman ay tumayo sa tabi ng pintuan at kumatok. Sa unang katok ko ay walang sumagot pero sa pangalawang pagkatok ko ay sumigaw si Ramgen ng “Sino yan? Sino yan?” pero hindi kami sumasagot. Bigla na lamang binuksan ni Ramgen ang pinto ng kuwarto niya, pero hindi ito lumabas o sumilip man lang. Hinintay namin lumabas siya ng kwarto pero hindi niya ito ginawa at makalipas ang ilang sandal ay sinara niya uli ang pintuan at narinig ko na nagkasa ito ng baril sa loob ng kwarto niya habang may kausap sa telepono at sinasabing “Security pumunta kayo dito sa bahay namin parang may nakapasok!”
Pinaysaamerika







No comments: