Advertisement

Sunday, May 01, 2011

Fairy Tale Stories Part 2

Dear insansapinas,
Fairy Tail Part 1
Isa pang anak ni Queen Elizabeth ay si Prince Andrew.


Siya ay next in succession sa throne kay Prince Charles bago ipinanganak sina Prince William at Prince Harry. Ngayon, ikaapat na lang siya. Siya ang asawa ng controversial na si Duchess of York Sara Ferguson na nawala ang pagkaprincesa ng nagdiborsiyo sila ni Prince Andrew.
Sarah Ferguson


Sila ang parents ng dalawang prinsesa, Princess Beatrice, ang prinsesang dala ang isang picture frame sa kaniyang ulo noong kasal ni Prince William at Duchess Kate; Princess Eugenie na ang suot namang hat ay parang pinagkalipunpunan ng balahibong galing sa dressed chichen.  Nasaan ba si Lee na expert sa fashion?
Princess Eugenie and Princess Beatrice



photocredit

Pinakasalan niya si Sarah Ferguson noong 1986 na nagkaroon ng title na Her Royal Highness, Duchess of York. Sila ay naghiwalay noong 1992 pero opisyal na nagdiborsiyo noong 1996 . Madalas raw kasing mahuli ang Duchess na nagtataksil.


Despite sa mga endorsements niya kagaya ng Weight Watchers, Avon at iba pang produkto, nabaon pa rin siya sa utang. Ang kaniyang asawang si Prince Andrew,  kahit hiwalay na ay hinayaan siyang tumira pa rin sa bahay nila hanggang 2004. 



Nahuli siya noon ng media na naniningil ng 500,000 pounds para doon sa gustong makalapit kay Prince Andrew. Kahit na ganoon ang ginawa niya, nabalitaang tinulungan pa rin indirectly ni Prince Andrew si Sarah para makabayad ng utang.


Sweet.

Pinaysaamerika

No comments: