Natawa naman ako sa sinabi ni Lagman na walang demographic target ang RH Bill lalo na ang mahihirap.
Kailangan bang bigyan pa siya ng doble lente para mabasa niya ang provision na ito na siya mismo ang sumusulong?
“(d) Take active steps to expand the coverage of the National Health Insurance Program (NHIP), especially among poor and marginalized women, to include the full range of reproductive health services and
supplies as health insurance benefits;Naiintindihan ba niya ang word na poor at marginalized? Siguro naman anoh.
So ang pakiwari ko, ang bill ay nagsasabing, o mahirap lang kayo, itong mga generic contraceptives lang ang sainyo. So what kung may sakit kayo sa puso. Mahal ang magka EKG, walang equipment ang Dept. of Health lalo na sa probinsiya.
O ito ang pills, so what kung diabetic kayo, mahal ang magpatest ng lipids kaya inumin na lang ninyo ito.
Pakiwari ko parang mga pigeons sila na binabawasan ang population pag marami na.
Hindi sila naniniwala na sa mga mahihirap na ito, nanggaling ang mga OFW, ang mga nagsisikap umunlad ang buhay samantalang ang mga anak ng mayaman ay pinapasok lang sa opisina na pag-aari ng kanilang pamilya o kung mga anak ng pulitiko ay itinutulak tumakbo para lang magkatrabaho. Ito rin ang magiging workers sa pabrika, sa construction, sa retail industries dahil ang mayayaman ay gusto nilang magiging manager na lang.
Hindi ako against family planning, pero naman ayaw ko naman yong isasabatas ang dapat gagawin ko para doon.
Biruan nga namin sa pamilya, kung uso na ang pills noon, wala ang mother ko. Ikanumber 16 kasi sya. Kung gumamit ng contraceptives ang mother ko, wala yong bunso namin na ikasampu. Ngayon, ang mga third generation ay may mga isa hanggang apat na anak lang. Walang RH Bill niyan. Ayaw naman naming mawala ang lahi naming magaganda. toinkkk.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment