Advertisement
Friday, May 06, 2011
My Angel for the Day, Planner, Post-it Notes
Dear insansapinas,
Early morning, sabi ng aking brother may package daw ako na iniwan sa office ng Building Administration ng UPS. May hinala na ako na galing sa mga tsikiting gubat ko para sa Mother's Day. Pero balak ko kunin bukas on my way to the hospital.
Pero hindi naalis ang kati at hapdi ng mata ko kaya nagdecide akong pumunta sa malapit ng pharmacy.
Hirap akong maglakad kaya dahan-dahan lang ang aking paghakbang. Parang one minute per step. bwahaha. Mauuna pa ang pagong sa akin at nakatulog na siya bago ako makarating sa finish line. Papunta sa pharmacy, dadaanan ang paborito kong bookstore. Bigla akong lumakas. Pero hinawakan ko ang aking bulsa. Tiyak paglabas ko may bitbit na naman akong libro. Hindi ko namalayan matagal din pala ako sa loob. Wow, may bagong novel si James Patterson. 10 ang title. Kababasa ko lang ng 9. Walang paperback. Kaya ang bigat ng clothbound, mabigat din ang presyo. Hinawakan ko ulit ang aking pitaka. Sabi ko huwag siyang bubukas. Naku, may bago ring nobela sa David Balducci (author ng Absolute Power). At meron ding nobela si Stuart Woods, ang paborito kong lawyer. Kumakawala ang aking pitaka. *heh*
Paglabas ko, may dala akong dalawang items lang. Haaa, hinga. May babayaran pa kasi ako sa latest procedure na ginawa sa akin. Yan nga ba ang sinasabi na pag bata ka pa nagtatrabaho ka para pagtanda mo may gagastusin ka sa pagpapagamot. Saklap ng buhay.
Bumili ako ng isang planner. Mayo na ngayon lang ako nagplanner. Baligtad kasi ako, sinusulat ko pag tapos na ang aking mga schedules. In the meantime, nasa post-its ko ang mga appointments ko.
Naalala ko kailangan ko pala ng photo para sa pass sa aming swimming pool. Pero hindi naman ako naliligo sa pool. Takot ko lang. So scratch.
Uwi na ako. Daan ako sa Office . Kinuha ko ang package. Uhmm bulaklak. Saka na ang picture. Magaan nga pero mahaba naman. May dala pa akong libro. Malayo pa ang bahay. Pagod na ako. Parang hindi na ako makalakad.
Biglang apir ang isang bata pang lalaki. Palagay ko sa maintenance siya. Nag-oofer siyang tulungan ako. Mukha naman siyang mabait kaya nagpatulong na ako sa kaniya. Kung loloko-loko siya, bigla kong isusubo ang bato ni Darna. Toinkkk.
Sabi ko iwanan lang sa tapat ang package. OO naman siya. Nagthank you ako. Nagyourwelcome naman siya, My angel for the day is a young Hispanic man. Tapos bigla siyang nawala.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment