Advertisement

Wednesday, May 04, 2011

My Ghost Story

Dear insansapinas,


Hindi ko ghost story yan, Virginia. Dahil kung ikukuwento ko ang mga ghost stories ko, isang Linggo akong magsusulat. Isa itong programa sa TV, kasama ang Paranormal State. Hindi ako nanonood ng Ghost Hunters o Ghost Adventures. Panay lang naman sila, night light na nagbibigay ng eerie pictures at mga usapan nilang  Who is that, did you hear that? Wala naman silang maipakitang ebidensiya ng ghosts.


Nagkainterest ako sa Paranormal State kasi may question doon ang isang babae kung ang multo daw sa bahay nila ay DALA ng bago niyang boyfriend o iniwan ng kaniyang ex-boyfriend. 


Unang step ng grupo ay interview ng isang psychologist sa mga tao sa bahay kung saan may ghost haunting. (take note DSWD, may interview muna bago sila magbibigay ng evaluation). Inaalam nila kung ang mga tao doon ay nagsasuffer ng schizophrenia o may mga paranoia.


Saka lang sila magsisimula ng kanilang physical investigation. 


Sa isang episode naman sa My Ghost Story, marami silang mga nawawalang bagay na lumalabas din pero nasa ibang parte na ng bahay. Parang kagaya sa bahay ko sa San Fran. Yong nanay ng aking kahousemate ay madalas hinahanap ang mga binitiwan niyang bagay na nawawala at pagkatapos ay lalabas din pagkalipas ng ilang oras. Sa bahay ko rin sa Pinas ay ganoon din. Minsan alahas ko ang nawawala. Tapos lalabas din. Ako lang naman ang may alam kung saan ko inilalagay.


Isang video ang nakuha sa isang bed na parang tumatalon-talon  ang isang bagay na nagpapalundo sa bed pero wala namang tao.


Ang multo ay sinasabing between two worlds, spirit world at ang mundo. Ang spirit ay nakarating na sa spirit world at kaya lang bumabalik ay kung may mensahe o gustong tulungan ang minamahal sa buhay.


Karamihan sa mga multo ay hindi makaalis sa lugar na kanilang kinasadlakan dahil walang tumulong sa kanila.
Meron namang mga multong nakikihitch (ano yan jeep) lalo na pag ang taong napunta sa isang lugar ay walang proteksiyon o talagang sadyang lapitin ng mga ganoong klaseng nilalang.


Kaya ako takot na pumunta sa mga lugar na pinupuntahan ng mga ghost hunters kagaya ng mga bilibid, mga ospital dahil mamaya may kumabit at sumama pauwi. Ngiiii. 


Kasi ako noon naniniwala na bitbit ko ang multo kahit saan ako pumunta. May mga bahay kasi akong tinirhan na wala naman daw multo silang nakikita pero pagdating ko ay may nagpaparamdam na.


Sa series, sabi noong psychic, iniwan daw iyon ng ex-boyfriend niya dahil galit nang umalis. Tinawag  yata sa kadiliman at pinapunta doon.


Sa aking parte naman nang nagkonsulta ako sa isang psychic din. Sinabi sa akin na hindi ko dala ang multo lalo na yong mga violente. OO, Virginia, may mga multo na nararamdaman kong sinasakal ako sa gabi. Meron ngang isa ang lakas pa nang sinabi ng tinabig ang aking paa. HABI nga diyan. (Sa Pinas ito). 



Sabi ng psychic, ang mga multo na nasa kadiliman ay mahilig din sa kadiliman kaya pag may taong nakakita sa kanila ay nafifeel nila ang invasion. Takot sila kaya nagrereact. Dalawang beses kung nakita ang babaeng nanlilisik ang mata at isang lalaking nakatingin ng matindi sa akin .


Kaya nga ako ay pinayuhan na laging may protection. Mayroon akong suot na krus at noon ay hindi ako nag-aalis ng diamond na singsing. Takot daw ang ibang sinister spirit.


Pero hindi lang naman masasamang ispiritu o naliligaw na multo ang aking kasa-kasama. Meron din akong tagapagtanggol.


Noong nagbabakasyon pa lang ako dito, galing ako sa labas at papasok na ako sa bahay. Hindi pumapasok ang susi sa kandado. Ang buong facade ng bahay ay nagbago, parang nasa ibang bahay ako. Nagtayuan ang aking buhok. Huwag mag-isip ng masama. Ang mag-isip ng masama, maitim ang gilagid.


Umalis muna ako sandali at nagdasal. Pagbalik ko yong dating anyo ng harapan ng bahay ulit ang nakita ko.


Madalas ay hirap akong magbukas ng pinto. Isang araw, nalocked-in ako. Tama ang basa mo tita. Nakulong ako sa loob ng bahay. Hindi ako makalabas. Sira ang siradura.


Akala ko yon na ang huli. Sumunod ay nakulong naman ako sa bathroom. Sira na naman ang siradura. Ang aking pinto sa kuwarto ay kusang nagsasara. BLAM.  Kung iniisip ninyo dahil sa magnet, hindi palagi itong sumasara. Kapag nasa loob lang ako. Ngiiiiii.


Palagay ninyo ang masasamang taong katulad ni Bin Laden, magmumulto? 


Ang masasamang ispiritu na ayaw magsuffer ng kanilang kasalanan sa parusang igagawad sa kanila ay naghahanap ng paraan para manatili sa mundo. Ito ang ispiritung karaniwan sumasanib sa katawan ng mga tao.


Kung hindi kayo naniniwala sa possession, bakit may mga paring ang espeyalisasyon ay ang exorcism? Bakit kahit hindi Katoliko, ang paring Katoliko ang tinatawag para mag-exorcise? An ordinary Catholic priest can not perform exorcism. Exorcists are prepared for this particular task. 


Pinaysaamerika

No comments: