Advertisement

Thursday, May 05, 2011

Navy Seals, Demi Moore, Executive Chef and Import-Export

Dear insansapinas,


Currently reading, Navy Seals, the Complete History. Nasa cover pa lang ako. hahaha.
Sa totoo lang peyborit ko kasi all about novels and films na may action. Walang masyadong dialogue pero ha*yup sa bakbakan. I can't kill a fly so my violent streak must be inside me. Di ba noon may binugbog nga akong snatcher. Duguan--ang kamay ko.


I love GI Jane movie. First, I like Demi Moore. Then Anne Bancroft and Viggo Mortensen. Ridley Scott is the director who also directed several action films like The Gladiator of Russell Crowe. Now he is directing my favorite TV series, The Good Wife. GI Jane is about  the first woman to survive the Navy Seals rigorous training. Syempre pelikula lang yon, noh. 


The book is "heavy reading". Bigat  kasi ang kapal ng libro. Toinkk.  Divided into three sections; the early years. the vietnam war and the post-vietnam war. Light reading ko lang ang mga novel kagaya ni Clive Cussler kung saan may mga tao pala na directa lang ang report sa President. (may ganon?).


Lately, pansin ko yong mga CIA-inspired TV series ay cancelled. Dahil siguro, lumalabas doon ang mga special gadgets at equipment ng mga military kagaya ng mga helicopters na hindi nasasagap ng radar. Ulk.


Sabi ko nga di ko pa nasimulan ang libro. Binabasa ko ngayon ang fiction ng mga nagtatrabaho sa White House kung saan ang bida ay ang Executive Chef na Paras ang apelyido pero hindi naman sinasabing Filipina. O di va.


Kaya ko lang binabanggit ito kasi narealize ko na kahit pala sa ganitong mga lugar (even if it is fiction, at least it resembles real situations) ay maraming intriga. So ang aking mga mambabasa na career ladies ay makakarelate o kahit din naman ang mga lalaki. Lalo na ang mga nasa gobyerno at may bagong administration.


So ang scenario ay bago ang presidente, na may dalawang anak. Bilang Exec. chef, may tenure siya. Sabi nga presidents come and go but not the staff not unless, ayaw na ng First Family ang luto niya pero kailangan pa rin ang experience niya paghanda ng mga dinner sa foreign guests.


Ano ang pakiramdam ninyo kung hindi nga kayo inalis pero naglagay naman kanilang sariling tao. Kahit na ba under sa kaniya. Pakiramdam niya, kumukuha lang ng experience at pagkatapos saka siya sisipain.


Nakaranas na ba kayo ng ganiyan?


Noong nahire akong chief accountant sa murang edad (lima singko, bwahaha), nangyari rin ito. Nagkakaproblema ako noon sa mga letters of credit, importation at warehousing.storage ng kumpaniya. Masyadong matagal ang pagdating ng mga imported drugs kaya kung minsan nag-eexpire ang LC lalo pag hindi na extend. Ang warehousing-storage namin ay malaki dahil sa matagal mailabas sa customs ang items.
So naghanap ako ng makakaibigan sa banko na siyang nagturo sa akin ng import-export at ang mga documentation. Sandali ko lang maipalabas ang mga original documents na galing sa exporter kasi tinuturuan ko rin ang aming foreign suppliers para mabilis silang makasingil sa banko nila. Kumuha din ako ng Customs broker na kilala ko na pwedeng ilabas ang goods (legal ha) in a matter of hours. Refrigerated kasi yon kaya mataas ang singil.



Nang maayos lahat, ito na ang bayaw ng aming Presidente. Magtatrabaho raw na assistant ko para matuto. 
Ano baliw? Tuturuan ko ba siya sa mga natutuhan ko? Mag-aral din siya. Totoo ang hinala ko na aalisin ako o idedemote dahil gusto nila hawak nila ang importation din. Wala pang dalawang buwan, siya ang ginawang Chief Accountant at ako ang ginawang Assistant. Lahat ng pressures at stress ay nandoon tuwing papasok ako. Pero hindi naman ako kagaya sa bida sa nobela na maglakad nang naglakad siya sa DC para maalis ang sama ng loob niya.


Ako naman naglalakad at kinakausap ang sarili ko kung magreresign ba ako o magpapaterminate na lang. Sabi ng katabi ko, Kinakausap mo ba ako? Sabi ko hindi. Kausap ko sarili ko. Tanong naman niya, ayaw bang sumagot? Nangiti ako. Sabi niya, ako nga pala si____________. 


Pinaysaamerika


No comments: