Advertisement

Saturday, February 19, 2011

Toilet Humor and Horror

Dear insansapinas,


photocredit: novel
Huwag kayong mag-alala, hindi ito tungkol sa mga kanais-nais na bagay na mawawalan kayo ng ganang kumain. Kagat ng mais. chump chump chump.


Ito ay mga kuwento nang mga experiences sa loob ng sinasabi nilang Comfort Room (sa Pinas) Restroom, Ladies or Men's Room or Powder Room. Sabi nga noong isang pilosopong kaopisina ko na foreigner, did you find comfort in your comfort room. Kung hindi lang siya malaki, sinabunutan ko na.


Motion Sensor  Toilet Flush 
Some decades ago, bagong baba ako sa eruplano sa Singapore. (FOA-Fresh off Plane, ikanga)  Sanay ako sa standard toilet na minsan ginagamit ko ang aking sapatos para ibaba yong isang parte noon para magflush. Isipin mo na lang ang germs doon, Ewww. 


Pasok ako sa isang toilet. May nagflush ng toilet. Akala ko flinush noong isang babaeng nandoon by remote.  Sabi ko. Thanks. Hanap ako ng toilet seat cover. Bigla flush ang toilet. Sabi ko thanks. 
Pagkatapos kung gamitin, hindi pa ako tapos mag-ayos ng aking pantalon, nagflush ulit. Ah sumusobra ka na. Baka may multo? Nag-iisa na lang ako sa loob. Pag sara ko ng door ng cubicle, nagflush ulit. Labas na ako. WHATEVER. Tsee..


Hand Dryer
Naalala ko ang kuwento ng aking mother noong una niyang encounter ng automatic hand dryer. Ayaw daw huminto kaya lumabas na siya. Hindi tuloy siya nagenjoy sa pelikulang pinanood niya dahil iniisip niya na baka magkasunog dahil iniwang niyang nakabukas ang hand dryer. Toinkkk


Touch Free Faucet


Hindi ko matandaan kung saan ko una itong nakita. Baka sa Japan. Maghuhugas ako ng aking kamay nang makita ko ang gripo sa sink na walang bukasan. Sabi ko ang anga naman ng mga naglagay non. Hanap ako ng buton na pwedeng i-press. Wala. May sabon na ang kamay ko. May babaeng pumasok. Itinapat niya ang kamay niya sa faucet. HIMALA, NORA AUNOR, dumaloy ang tubig. Problema pagsara.  Di huwag itapat ang kamay. hehehe


Jakarta, Indonesia
Katatapos lang ng speaking engagement ko noon. Nagyaya ako sa isang Chinese restaurant para makainom ng Chinese tea. Sa Indonesia kasi nilalagyan ng asukal ang tea. Tea with gula. Lumang building yon, pero masarap ang kanilang chow mien. Punta ako sa restroom. Ow, hindi ko makita ang toilet bowl. Yon pala ay nakalubog yong toilet bowl sa floor. Paano ako uupo. Tingkayad na lang. Sumakit ang baywang ko pagbabalanse.



Bali, Indonesia.
Dinala kami ng host ko sa mga templo sa Bali. Tapos sa bahay nila na parang tren dahil napakahaba. Hanap ako ang bathroom. Buti na lang ang toilet ay yong standard. Kaya lang wala silang gripo. Meron silang ipunan ng tubig na para bang maliit na swimming pool. Doon ka tatabo ng pangflush. Meron din silang tabo.  Ang daming tabo ng tubig ang ginamit ko. ploinkk.


Pakistan


Nang dumating ako sa bahay ng aking host, inilagay niya ako sa kuwarto ng kaniyang kapatid na lalaki. Ang toilet nila kagaya noong nasa restaurant sa Indonesia. Nakabaon. Inilipat nila ako sa kuwarto ng kapatid niyang nag-aaral ng Medicine kaya kung minsan wala siya sa bahay. Lahat ng kuwarto nila ay may bathroon pero ang kuwartong yon ang may shower at bath tub.


Maaga akong nagising dahil may naririnig akong ingay ng shower. Sa isip ko siguro yong may-ari ng kuwarto. Ang kaniyang mga damit kasi nasa walk-in closet na tabi ng bathroom. Ang entrance ay isa lang. Yong pinto ng kuwarto. Gusto kong gamitin ang bathroom kaya naupo na ako at naghintay makatapos ang nasa loob. Hindi na ako mapakali sa kahihintay. Mahigit 30 minutes na, hindi pa rin lumalabas. OC kaya? Ganon ang mga OC. Yong ex-hubby ko mahigit isang oras sa bathroom. Naglilimis pa kasi before and after. Tapos nagcocrossword puzzle pa. 


Baka kako nakatulog sa shower. Sumilip ako sa pinto ng bathroom. Nakaawang. Binuksan ko ang pinto. Walang tao. Walang nagshashower. Nang ikinuwento ko sa nanay ng aking host na lumaki sa UK, sabi niya meron daw talagang multo doon. Nggggiiii.


Pinaysaamerika

No comments: