Advertisement

Friday, February 04, 2011

Obama's Office Internet Outage

 Dear insansapinas,



Akala ko kami lang ang madalas mawalan ng internet. Mga ilang minuto lang naman pero talagang nakakalurkey.
Ngayong hapon, pagkatapos kong magblog doon sa laugh top ko sa sala, nagpadala ako ng e-mail ko sa sarili ko na may file attachment, isisave ko sa aking laugh top sa bedroom. Ganiyan ako kasira.  Binuksan ko ang aking e-mail sa bedroom, wala pa ang aking e-mail. Lintek, saan pa kayo dumaan yon? kita ko yong aking icon para sa aking internet connection, wala. Sus. kaya pala.  Pagkatapos biglang nagkaroon. 

Pero di na masama ang loob ko kasi pati pala si Presidente Obama, nagkakaroon din ng power outage.

White House, Un-Wired: Obama's Office Suffers Internet Outage
There's no time quite like a revolution happening on the other side of the world when the e-mail decides to go down. But that's what happened yesterday at the White House.
Read more: http://newsfeed.time.com/2011/02/04/white-house-un-wired-obamas-office-suffers-internet-outage/

Ngayong gabi ay balak kong makinig ng music sa youtube. Kinabit ko ang aking earhpones. Walang sound.
Check ko yong internet, meron naman. Baka kako yong earphone ko. Bali na kasi, pinagdugtong ko lang ng
safety pin. bwahahaha.


Balak ko ng kunin yong isa ko pang earphone. Back up ko. Meron pa akong back-up ng aking back-up. mwehehe. Patayo na ako nang makita ko, hindi pala nakakabit yong earphone sa laugh top. Ploinkkk.

Pinaysaamerika

No comments: