Advertisement

Tuesday, February 15, 2011

The Italian Doctor and Egyptian Driver

Dear insansapinas,


Lumipad nga ako ngayong umaga. Walang gasolina ang walis tingting ko kaya tumawag ako ng driver. Yong dati kong driver ang dumating. Akala ko Arabo sha, dahil malapit ng mag-good bye ang buhok niya. Yon bang arabuhok. Corny ko. Egyptian pala siya. Kukumustahin ko sana si Mubarak kaya lang 15 minutes to go na lang para sa appointment ko. Pag-uwi naman, wala akong ganang makipagkuwentuhan.


Nameet ko na naman si PapaItalianispaghettidoctor. Bad news. Hindi raw natinag yong squatter sa aking liver. Parang si Mubarak noong una. Pinapili niya ako kung maghihintay pa kami para sumuko. Bigyan daw namin ng dalawang buwan. Hindi ko tuloy siya nakumusta kong anong
palagay niya sa trial ni Prime Minister Berlusconi.  Hanep, teen-ager ang nagustuhan. At least sa Italy, kahit prime minister ka, lagot ka. Dito, murder na ang mga charges, drug dealing, hindi pa masipa sa Congress. tssktsssk


Balik tayo sa topic. 


Second option ay gigiyerahin na namin ng tangke. Pero kailangan mas matibay ang katawan ko.  Wala naman akong option na. Ayaw kung maghintay ng two months.  Sige sugod mga kapatid. Just to clarify, hindi treatment ang ginagawa nila kung hindi pampaalis lang ng sakit at kung pwede mabigyan ng extension ang deadline. Bata pa raw kasi ako. O bata ang isip. toinks. 



Pag nakikita ko yong mga matatanda na doon sa reception room ng hospital, para akong naawa. Iniisip ko kung mas maganda nga ang naggoodbye na bata pa  (batang isip) o bumalik na pagkabata dahil alagain na at hindi na makaalala.


Habang naghihintay ako sa waiting room, ito ang palabas sa malaking TVHD monitor  sa showbiz tungkol sa Grammy. Ito pa ang isang retrato. Kung si Lady Gaga ay itlog, ito naman manok na. Pinsan ni Big Bird. mwehehe
Gwenyth Paltrow and Cee lo

In the meantime, papanoorin ko ang Double Jeopardy mamayang gabi, Ang human versus computer. Tabla sila kagabi. Magpakasaya na. mwhuhuhu. 


Pinaysaamerika

No comments: