Advertisement

Wednesday, February 09, 2011

MRI - There is a man in my closet

Dear insansapinas,
Personal:

photocredit: http://www.ecrc-pt.com/?sec=news&id=24
Anyone who has had an MRI knows the tight feeling of the tube and the sound of the magnet can create a unique, and often disturbing experience. People who are not typically claustrophobic have difficulty completing the test [one recommendation is to ALWAYS keep your eyes closed]. Each scan can cost thousands of dollars.

One reason the MRI tube is so narrow is that the radio frequency coils that produce the magnetic waves for the scan must be very close to the person being scanned.
Appointment ko sa ospital para sa aking MRI. Maaga akong dumating pero nakalimutan pala noong isang ospital na ipadala ang specific instruction kung ano ang hahanapin sa aking lamang loob. Kahit na alam nilang may mga impaktita at impaktitong nakikitira sa aking liver, kailangan pa rin for documentation  purposes kung saan ifofocus ang imaging.


Malapit ko nang makita yong bahay na Steve Wynn (yong Vegas casino mogul) sa binabasa kong Architectural Digest nang tawagin na ako para pumunta sa Nuclear Department. Parang gusto kong sumakay ng spaceship. Toinkkk.


Idineretsa ako ng radiology tech sa closet kung saan, huhubarin ko ang aking mga suot-suot, pati salamin, susi at iba pa at itatago ko sa closet na may susi. Pinabitbit sa akin ang susi. Pasok na kami sa Nuclear area. May mga ilaw sa pinto na para bang decoration ; huwag ka laser yon. Iingay yon pag may dalang metal at iba pang hindi allowed sa areang yon.


Tapos tinusok na naman ako para lagyan ng contrast. Ikinabit sa isang IV pole, tinakpan  ang ibang bahagi ng kaawan at nilagyan ng earphone na feeling ko ako ay nagrerecording. Doon ako binibigyan ng instruction. Do Not Breathe. Breathe, tapos mararamdaman mo na parang minamachine-gun ng maliliit na dwende ang isang parte ng katawan mo. Hindi kagaya noong una, binigyan ako ng break noong radiology tech para makapahinga. Ito, tuloy-tuloy. Panay pa ang instructions. Hindi ako makagalaw dahil aside from tinali ang aking kamay, ang sikip pa ng MRI. Tapos may lull. Parang walang sound. Hello, Anybody home? Naalala ko tuloy yong balita noon na yong babae naiwanan sa MRI noong radio tech. Kasi noon pwede ka pang matulog. Kaya buti rin itong radio tech ko panay bulong sa earphone, hindi tuloy ako makatulog.
Pero wala ng tunog. Wala na yong background music sa earphone pag hindi nagsasalita yong babae.


Gusto ko nang umihi. (kaya pala hindi ka paiinumin 4 hours before) pero alam ko walang lalabas. Gusto ko ring mag fart (Alam ninyo na yong Farting is a sweet sorrow ,,,yada....yada. Pero, pinigil ko. Baka ako masuffocate at baka sabihin ng babae na what's that smell pag inilabas na niya ako sa "oven". Hay salamat, natapos din.


Habang hihintayin ko ag disc, dinala niya ulit ako sa closet para magbihis. Pero talagang gusto ko nang pumasok sa restroom so nilampasan ko ang closet at pasok ako sa restroom. Haaaaa , what a relief.

Huwag ninyong tanungin kung anong ginawa ko. Hmphhh.Balik ako sa closet. Hinawi ko ang kurtina. Ahhhh, may lalaki sa loob. May hawak din siyang susi. Closet ko yon ah. Sus Ginoo. Hindi ko kasi suot salamin ko, A pala yon at ang aking ay C. Laking tanga ko talaga. Ploink ploink ploink. Buti na lang nakadamit pa siya kung hindi baka tumagal pa ako. hehehe.




Pinaysaamerika

No comments: