Advertisement

Thursday, February 17, 2011

Mga Kuwentong Bus

Dear insansapinas,


Sensiya na kayo di ako makatulog. Napanood ko na ang Jeopardy. Siyempre panalo si Watson. Nakikikumpetensiya rin ako kaya lang wala akong buzzer. Toot toooot toooot. 


Napanood ko na rin ang Criminal Minds, at isa pang version Criminal Minds Suspect Behavior. Bakit pinaghati pa eh pareho lang naman. Eniwey. Naalala ko ang mga kuwento na naganap sa bus diyan sa Pinas at dito sa USA.

Bus dito sa USA

Bagong salta lang ako. Sumakay ako ng bus doon sa sinabing bus stop. Ito namang nagsabi sa akin, hindi sinabi na kailangan kong lumipat. So hinto ang bus, sakay ako. Mga ilang minuto, pumarada ito sa may park. Bumaba ang driver. Sa isip ko baka, may memay-i-go out. Tagal.
Baka sira tiyan. May dumating na isa pang bus. Ganoon din ang ginawa. 


Umakyat ang driver. Tinanong ako kung saan ako pupunta. Susme, nakalimutan ba niyang sakay niya ako. Sabi niya sa akin. This is the bus depot lady. Where you're going? Yon pala ang nasakyan ko ay yong gagarahe muna tapos iikot na naman. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Mukha ngang tanga.

Bus pa rin sa USA

Dito sa US, maraming mga bus transfer kaya nga sa San Fran, huwag mong iwawala ang bus ticket (baka maraffle , hehehe) kasi may apat na oras kang pwedeng gamitin iyon sa iba ibang bus. Sa San Fran lang naman. Sa ibang cities na nakapaligid ay walang ganoong privilege.


Kaya kailangan planado ang iyong pagsakay para hindi mo mamiss ang bus connection. Bagong salta pa rin ako sa US. Kalilipat ko lang ng tinitirhan. Minap ko ang travel ko papuntang trabaho. Kailangang bumaba ako sa isang lugar at kunin naman doon ang isa pang bus.


Hige.


Baba ako sa unang bus. Kailangan pala tumawid ako para sumakay sa susunod na bus. Ang haba ng kalsada. May island pero makitid. 


Tamang tama nakita ko yong bus. Red light sila. Huminto ang bus. Tumakbo ako sa island muna. Alam ninyo may number of minutes dito pag maggreen light na. 10, 9, 8. Nag-isip ako kung tatawid na ako kung hihintayin ko ang susunod na red light. Pero mamimiss ko ang bus. So para akong nakikicompete sa running event, takbo ako. Syempre, pandak ako di, maiiksi rin ang aking legs. Nasa kalagitnaan ako ng road ng biglang magred light.  Biglang haribasan ang mga sasakyan.Ah ah ah, masasagasaan ako. Gahibla ng buhok ang abot noong kotse sa akin na nagbigay sa akin ng dirty finger. hahaha.


Tiningnan ko ang bus. Nakasara na ang pinto. Pag nakasara na, hindi ka na puwedeng kumatok. Toinkk.
Sabi ng kaibigan ko, nagmamadali nga ako, mamamatay naman ako. Tseh.


Pero alam ninyo bang hindi ako na late kahit minsan sa trabaho ko. Kaya isang araw na nasira ang sinakyan ko, at wala pa ako sa trabaho, nag-alala sila. 


Bus PaBicol
Every weekend noon ay umuwi ako sa Bicol para sa isang project.
Direct from the office o school, sumasakay ako ng airconditioned bus papuntang Daet ng mga alas diyes ng gabi. Makakarating ako madaling araw. Natutulog ako sa bus dahil sa pagod ko. May kasama naman akong isa. Hindi kami magkatabi dahil lalaki. Sa may pintuan siya naupo. Isa pa masamang ugali noon. Kakain sa mga stopover, ni hindi ka man lang alukin kong magpapabili. Parang wala siyang kasama. 


Pagising-gising ako pero bandang Quezon ay nakatulog ako. Nagising ako na nagtataka bakit yata ang haba ng biyahe namin. Tinanong ko ang conductor. Susme, nakalampas na pala kami sa Daet, huminto pa nga sa bus station, tapos papunta na kaming Naga. 
Ang kasama ko hindi man lang ako ginising. Lagot siya sa akin. Pagdating sa sunod na istasyon, naghintay ako napabalik sa Daet.
 Muntik nang malumpo yong kasama ko sa pagbubugbog ko. (Fantasia ko lang).


Kadena sa pitaka
Lolo noong aking kaibigan Nadukutan sa Cubao sa loob ng bus. Bababa na sana yong pickpocket nang maramdaman niyang may humila sa pitaka. May kadena palang maliit yong pitaka ng matanda. Totoo po yan. Kahit lumubog kayo sa inyong upuan.Whoops.Huwag mong isnabin, milyonaryo yon. May-ari ng dalawang iskuwela sa Bicol at malaking lupain.



 Pag lumalabas sa Maynila, nagbabus lang yon at nagtatraysikel. Meron namang kotse.  Minsan isinabay ko sa taxi, Binigyan ako ng isandaan,, share daw sa bayad niya. Kung di ko pa alam MO niya yon para isoli ko dahil walang sukli.Utak talaga pero masaya siya. Sumalangit nawa. 


Pickpocket pa rin


Nag-aaral pa ako noon. May bago akong tote bag na ginawa namin sa aming Home Economics. May kapartner itong pitaka. Dala-dala ko sa bus. Walang sarahan,  Pag-akyat ko, may tumabig sa akin, Kita ko ang aking pitaka na kulay orange, hawak ng mama. Bigla kong agaw at sabi ko pitaka ng pitaka pinakiialaman mo. Sabay palo ng aking bag sa mukha niya. Gawa lang sa tela na pinagtagpi-tagpi ang aking bag pero may dala-dala akong chopping board na kahoy para sa project namin sa HE. Behlat.


Holdupper
Isa kong kaibigan na nakatira sa Laguna ang minsang nakasakay sa isang aircon bus na hinoldap. Ang bilis lang daw ng mga holdupper. Pinalabas ang pitaka sa bag nila at isa-isang kinulekta. May dala-dalang mga alahas ang aking kaibigan. Galing siya sa Saudi at nagbebenta siya DROP DROP ng gintong alahas. Padisamulang inihulog niya ang maliit na bag sa kaniyang mga paanan. hindi naman sila pinatayo dahil madalian lang ang holdup. Mga limang minuto lang. Mula noon ginamit na niya ang kotse niya pag may dala siyang alahas.


Pinaysaamerika

No comments: