Advertisement

Friday, February 18, 2011

Taas Kilay sa Mga Balita

Dear insansapinas,

1. Aquino: Don’t advertise in sensationalist papers
http://www.manilastandardtoday.com/insideNews.htm?f=2011/february/18/news3.isx&d=2011/february/18

Mai Mislang, is that you? Parang kahapon lamang, Kuya Eddie (ba) o Tito? nang pinaboycott ni Erap ang isang broadsheet. Sabi naman ni Ricky (don't care) Carandang, hindi naman daw ito boycott kung hindi advice lang.

Kung ako naman talaga, ipapaban ko ang mga diyaryong nagsulat ng nilapa ng aso raw ang isang starlet, eh yon pala dinilaan lang at tinikman ang kaniyang binti. Susme.


Kasama ba dito ang mga nagpublish ng pagbili ng pre-owned na kotse at ang rental bullet-proof SUV?

2. Singson mulls quitting as congressman
http://www.abs-cbnnews.com/nation/02/17/11/singson-mulls-quitting-congressman

Bakit pa pinag-iisipan. Yong congressman sa New York nagresign kaagad dahil sa craigslist scandal.

3. 2 auditors overstayed in ISAFP for 17 years
http://www.abs-cbnnews.com/nation/02/18/11/2-auditors-overstayed-isafp-17-years

 Former state auditor Heidi Mendoza, however, said it was impossible for top COA leadership not to know that some auditors were already overstaying."An ordinary auditor is also asking why some auditors are given juicy positions while others are given dry positions... It is impossible to have 9,000 to 11,000 people and not notice overstaying auditors," she said.

Yong isa dating anak ng COA Commissioner at yong isa naman ay tagatanggap ng 2 per cent na bribe galing sa military. IKAW NA.
Ano sila may dementia katulad ko. KAgaya kahapon, balak kong uminom ng aking cough syrup. Lumabas ako sa bedroom para hugasan ang teaspoon. Dumaan ako sa bathroom, tuloy kitchen Pagdating sa kitchen, binuksan ko ang ref. --inilabas ang isang package ng frozen chicken wings. Nagwalis sa kumalat na asin at naghugas ng baso. Balik ako sa bedroom. Iniisip ko kung anong nakalimutan ko. Ang teaspoon. Pero ang auditor na nagoverstay ng 17 years, hindi mo makakalimutan yon.



4. Congress gets  UN documents on peacekeeping funds
http://www.abs-cbnnews.com/nation/02/17/11/congress-gets-un-documents-peacekeeping-funds
 The DPKO noted "all payments and checks covering peacekeeping related costs are issued under a cover letter to the Permanent Mission of the Republic of the Philippines to the UN."
 Documents also showed that all reimbursements made to the Philippines for the said year were remitted to Philippine bank accounts.

Sabi ni Rabusa, may pumick-up daw ng check sa US para sa bayad. Nang una kong mabasa yon, sa isip ko ay di ba sila marunong mag-wire transfer lalo na sa $ 5 million na maaring mawala.


Pinaysaamerika 

No comments: