Advertisement

Tuesday, March 23, 2010

Reaction

Dear insansapinas,


Ito reaction ko sa mga sumusunod:



1.Ang panganganak ng octopus at pagkamatay nito pagkatapos manganak.Biruin mo ba namang hipan niya ang mga itlog na may bilang na 100,000 para lumabas yong mga anak niya. Mauubusan nga  ng hangin yon.

2. Napanood kong mga buwaya, nakapuwesto sa may waterfall, nakabuka ang bunganga at hinihintay ang mga isdang natatangay ng agos. Swak na swak. Tapos yum yum sila. Para bang yong mga hagad noon sa Pinas at meron din sa California na naghihintay ng mga traffic violators. Huli ka.


3. Napanood kong pagkain ng lizard ng praying mantis habang nililinis nito ang kaniyang mga parang chainsaw na paa pagkatapos din niyang kumain. Kainan lang yan. Tapos huhulihin naman yong lizard para kainin ni Zimmern.


4. Napanood ko rin ang pagtayo ng dam ng beaver. Ang mga ngipin nito ay nakakapagpatumba ng mga punong malalaki. Tapos pag nanganak na ang beaver, ang kaniyang malaking anak ay kailangang umalis na sa kanilang tirahan. Isang anak lang ang pwede nilang kupkupin. Hindi kagaya sa Pinas, ang lalaki na, may mga asawa na nakasaksak pa rin sa mga magulang. Pati ang mga katulong, katulong din nila.


5. Ang makapigil hiningang paghinto ng avalanche mga ilang hakbang lang sa tent ng isang lalaking kinunan pa ng video ang kaniyang mukha, at sinabing this is the face of someone who is awaiting death.


6. ang pagtakas ng isang Van sa isang twister. Noong maabutan na ay biglang humina ang nasabing tornado.


7. Debate ng Vice-Presidential candidates .

Pagkatapos may kasabay yong DUH.

Pinaysaamerika 

No comments: