Advertisement
Monday, March 22, 2010
Facebook, Forum and Friends
Dear insansapinas,
Beterana na ako. Sa giyera. Sa giyera sa mga forum noong bagong-bago palang ang AOL. Pag wala ka noon ng AOL, caveman ka. bwahaha.
Pero noon ang away, wala kang makikitang mga retrato at iba pang mga information sa mga participants. Ngayon ang action ay sa Facebook. Ang tindi ng batuhan ng mga putik.
Ayaw ko ng facebook. Mahiyan ako eh. BLAGGGG. Sino namang nambato?
Sabi ko sa kaibigan ko na bago palang nagfi-Facebook, ingat siya. Maraming impostor diyan. Maraming sasali lang diyan para mabasa ang mga sinusulat mo at yong mga personal mong information.
At ngayon ay marami na ring HEF BEE EYE diyan. Nagulat ba ako? Hindi.Kaya itong balita na Your Facebook friend may be an FBI hindi man lang natinag ang balahibo ko.
Noon kasing active ako sa forum, may nakipagkilala sa akin. Nagtataka naman ako bakit buong araw at gabi ay nasa internet. Oras magbukas ako, nandiyan kaagad at naghaHI. Noong inimbetigahan ko, trabaho daw niya yon. Ang alin? Ang magbantay sa internet. Buti na lang at wala akong narcissistic personality disorder na aakalain ko lahat na lang bumati sa akin ay aking tagahanga dahil popular ako.
DILIM. sino na naman ang napatay ng ilaw?
Sabi niya secret daw. Nakikipagkaibigan daw siya sa mga hinala niya mga pedophile. Anong kala niya sa akin Pedophile. Mahanap nga yong aking karayom at matusok-tusok.
Hindi naman daw ako dahil nababasa niya ang aking mga sinusulat noon sa forum Ang cheap ko pa noon, may patula-tula pa ako. hehehe at kung makibakbakan ako noon sa Pulitika, talagang tumataas ang aking presyon. Naniniwala ako na may mga bayaran nga noon na poster kasi talagang pinagtatanggol nila noon si Erap. Loko noong nag EDSA 2, nawala sila lahat.
Ang di ko makakalimutan (Ate Charo) ay yong kalaban (hindi naman talaga kalaban) adversary , pareho rin, na isang babaeng mayabang. Later on, napansin ko at ng aking mga internet friends, OO BIRHINYA, ang dami ko noong kaibigan, may grupo rin kaming nag-eemailan, na medyo may sayad yong babae.
Minsan nawala siya. Nang bumalik ay medyo mellowed na siya. Nabasa ko between the lines na nagnervous
breakdown yata. Naawa tuloy ako. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na siya bubuwisitin. Nabanggit niya kasi may mga iniinom siyang gamot na alam ko sa mga magulo ang utak. Tapos nagpopost siya na meron na siyang boyfriend na mayaman. Hinayaan ko na lang siya sa fantasy niya. As long as hindi naman siya dangerous kagaya naman noong naging stalker ko na talagang masidhi.
Hindi na sibat na ang ginamit ko sa manika, kutsilyo na. hehehe
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment