Advertisement

Tuesday, March 02, 2010

Cough Syrup and Feng Shui

Dear insansapinas,
I am trying to avoid taking my cough syrup. It makes me drowsy. So when a friend called last Sunday, I might have been half  asleep when I answered or I was just in my ang-kulit-mo kainis- mode.


She had been pestering me about her " ex". She was expecting a call from him as he promised but he did not. Tagal niyang naghihintay.   I told her to her face (Suplada ko, sampal sa sarili ) pag di siya tinatawagan, ibig sabihin noon, wala na siyang interest sa kaniya. Dahil ang taong nagmamahal hindi makakatiis hindi puwedeng hindi tumawag lalo may chance namang tumawag. Kulang na lang sabihin kong 'You are officially dumped, baby". Can you not read the signs that he was just playing her emotion." TSEH. Nagulo tuloy ang aking balahibo.


Another makulit caller asked me about the position of her desk in the office. People used to consult me about Feng Shui (ewan ko ba, roll eyes) in their homes and offices. Libre kasi. Samantalang yong isang practitioner, isang libo ang charge sa business namin noon. Pareho lang naman kami ng sinabi. Pag libre talaga, di pinapansin.


Eniwey, tanong sa akin ng aking kaibigan kong anong gagawin niya sa lamesa niya na pagbukas ng pinto siya ang unang bubulaga. Fengshui-wise, hindi nga ito maganda kasi lahat ng vibrations na papasok, tatama sa nakaupo behind the desk.


Pinabili ko siya ng dragon o kaya ng lion. Hindi totoo ha. Yon bang mga ceramics na dinidispley sa mga curio.
Ilagay niya sa mesa niya para matakot ang mga vibrations na papasok. *heh*.


Isang caller friend naman ang nagsabi sa akin na naloloko ang kaniyang asawa sa facebook. Hindi tuloy naghahanap ng trabaho. Half-asleep pa rin ako nang sinagot ko na ayaw namang talagang magtrabaho ng asawa mo. Kasi naman ang daming excuses pag may mga offer. Pag may trabaho naman, nandoong natutulog, walang initiative matuto at mahilig ang palusot. *heh*


What's wrong with me. Mali yata palagi ang pagbaba ko sa bed o may laman ang cough syrup ng pangpasaway mood.


Pinaysaamerika





No comments: