Ano masasabi ninyo dito? I took a look at the reaction and 62 per cent said there was no harm done since the kid was being directed by the father.
NEW YORK - An air traffic controller at New York's Kennedy Airport was suspended for allowing his young son to radio instructions to several pilots.
The few quick exchanges between the elementary-school-aged child and jets waiting to take off from JFK, one of the nation's busiest airports, appeared to delight pilots at the time.
Ah basta sa akin, hindi ako approve na dinadala ang bata sa trabaho. There was a time when some employers set aside a day when they could bring their children to work.
May makulit na batang dinala sa opit namin noon. Aside from ginawang laruan yong copier, tinapunan ng kape ang aking mga papel at binasag pa ang aking maliit na ceramic display sa aking desk, kinain pa yong aking KitKat. Waah. Pabayaan ko lang daw kasi bata. Sus, muntik na akong ma-high blood.Kahit na pandilatan mo, hindi pupuwede.
Nagkataon may nangyari sa aming bangko noon na isang bata ay naiwan sa vault. Medyo nagkagulo. Mula noon wala ng batang inaallow sa opit lalo na yong aming "centuries-old" na elevator ay ginagawang playground. Pinipress lahat ng floor.
Pero may inallow na weeks old baby na dinala ng aking office mate. Apo niya sa kaniyang anak na 16 years old. Nabuntis din siya 16 years old. Kaya early 30's lang, lola na siya.
Ang report ko base sa kaniyang mga dokumentong pinaprocess. Walang nakakarating sa akin nang araw na iyon dahil kung hindi siya nagpapalit ng diaper, pinatutulog niya ang bata. Napansin yata ng mga higher gods na halos araw-araw ganoon ang nangyayari kasi nawala na naman pala ang kaniyang anak. Pagbalik noon buntis na naman. Para bang pusa. Ooops.
Ang masama nito, lahat ng trabaho niya delayed din (hindi naman buntis). Pinapasa ba naman sa akin. Ano ako basketbolista? No way Jose, pinadalhan ko siya ng job decription, cc ang boss namin. With highlights. Ano siya sinusuwerte?
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment