Advertisement

Monday, January 09, 2012

Why me, Lord?

Dear insansapinas,


Why me, Lord? Why am I always lucky to deal with incompetent personnel?


Is it because:
1. I am a whiner?
2. Is it because I was diligent when I was still swimming with the corporate sharks and mackerels so I expect from others the same work ethic?
3. Is it because I have that martyred complex? * heh*
4. Am I perfectionist?


Like what I had written days ago, I was scheduled for biopsy for the round "thing" they had caught in the mammogram ang ultrasound. The medical receptionist assured me that all I have to do was to come this Monday and all things are gonna  taken care of. Sige.


When I arrived early seven o clock (I have to ask my brother to drop me at the hospital, although my sched was 9:30 yet) the only Filipina in charge for the registration called up the Biopsy department.
The response was...there was no appointment for me. HA? Feeling ko lang na ihalibas yong wheel chair na nakakalat sa may exit. Tuloy kausap ng Pinay sa telepono. At last nagkasundo rin. Tanong sa akin ng Pinay, left ba o right daw. Ha? Gusto ko naman pick-upin yong dumadaang pasyente na nakawalker (hindi ihalibas ha)...para lang magreklamo kung bakit hindi nila tingnan sa aking medical records. 


Gumawa ng revised paper work ang Pinay at nagkatsismisan tuloy kami ng matagal. 


Sinundo na ako ng isang physician assistant papunta sa department nila. In fairness, mabait siya. Nagsisimula siyang fill-upon yong iba pang paper work, sabi ko tapos ko na yon at nandoon sa nagsched sa akin. 


Pasok ang magandang doctor habang ipinaliliwanag sa akin ng p.a. kung ano ang gagawin nila. Yon daw bang may maririnig akong Pop pag gupit nila ng tissues sa loob ng breast at ganoon daw kasimple. Hige.


Hinanap ng doctor ang aking primary doctor's order. Wala. Hindi ko raw ba dinala? Sabi ko, sabi yoong nagschedule sa akin, siya na raw  ang tatawag sa aking primary physician. SUS, hindi pala ginawa. Hindi raw niya magagawa ang procedure kung wala yon. 


Yong mabait kong p.a. ang nagrequest sa aking doctor. Habang hinihintay, prenep na ako para sa biopsy na guided ng ultrasound.


Nakatiwangwang ako sa malamig na kuwarto nang dumating ang fax. Susmariano garapon, mali ang ifinax. Ano ba kayo? Mahigit na isang oras akong nakatingala sa ceiling  na ang nakatakip lang sa left breast ko ay mga paper towel na nilagyan ng pampamanhid.


Hay salamat, dumating din. Simula na ang procedure. Akala ko ganoon lang kasimple. Ganoon pala kasakit. Tapos may ipapasok daw na marker na iiwanan sa loob ko pagkatapos mammogram ulit.  Pinakita, mahabang syringe. Akala ko yong needle ang iiwanan sa loob. Muntik akong himatayin. * tseh*


Pagkaalis ng doctor, natapilok naman ang p.a. Ako pa ang tumulong magtayo. Para bang comedy of errors. Pero humingi siya ng apology for being clumsy.


Sadamakmak na bandage ko, sumakay ako ng bus sa harapan ng hospital. Akala ko yon ang dadaan sa tapat namin. Husme, yon pala ang iniikot ang buong bundok bago pumunta sa destinasyon. Mahigit isang oras akong namasyal. 



Pagbaba ko, NAGIISNOW. Alelujah. Para akong tilapia na inaasinan ng pinong-pino sa dami ng snowflakes sa aking outerwear. Pagdating ko sa bahay, noon ko lang narealize, may mild diarhhea pala ako. Takbo na naman sa CR. Tapos, bagsak sa couch. 
tulog.  Ha.


Pinaysaamerika


No comments: