Advertisement

Friday, January 27, 2012

Grace Ibuna and Alicia Rita Morales Arroyo

Dear insansapinas,
Draft
When I was admitted in the hospital for a procedure, they make me sign something about the directives what to do just in case something happens. My medical records show that I am divorced. Alangan namang galugarin nila ang buong Estados Unidos para lang papirmahin ang aking estranged husband o kaya pabayaan nila akong nakatiwangwang sa bed habang namamasyal na ang aking kaluluwa at namamahala sa mansiyong ipinagagawa ko. 




photocredit
Let me define a health care proxy. 

Health-care proxy: This is a legal document in which an individual designates another person to make health-care decisions if he or she is rendered incapable of making their wishes known. The health-care proxy has, in essence, the same rights to request or refuse treatment that the individual would have if capable of making and communicating decisions.


 The term "advance directives" refers to treatment preferences and the designation of a surrogate decision-maker in the event that a person should become unable to make medical decisions on her or his own behalf.


Ayaw ko na kasing ikabit ako sa mga machine sakaling magcoma ako sanhi ng pagbiglang bagsak ang aking blood sugar dahil hindi kaagad ako pinakain after taking insulin o kaya biglang bagsak ang vital signs ko dahil nasobrahan ako ng morphine dahil ang nurse ko ay sano. SALBAHE. Ito ang mga risks ng mga surgery pag diabetic ka. Hindi ka mamatay sa sakit mo kung hindi sa  complication at sa katangahan ng ibang tao.


Bakit naman natin pinag-uusapan ito? Tawag kasi sa akin ang aking kaibigan and asking me my opinion at karanasan sa ospital hindi diyan sa Pinas.Wala akong opinion. Sinasabi ko lang kung anong mga papel ang pinipirmahan na waiver para maiwasan ang mga kaso against the hospital sa aking obserbasyon. Hindi ko alam diyan sa Pinas ang practices. Kita mo hindi ko alam ang alpha list ay ginagamit pala in lieu of ITR at hindi pa sinusumite sa BIR. Suntok sa noo. Tsus. (singit na naman, hala). 

Ito ang balita: 
MANILA, Philippines — Declaring that she remains the legal wife of Negros Occidental Rep. Ignacio T. Arroyo until the time of his death, Alicia Rita Morales Arroyo vowed Friday to pursue criminal charges against whoever gave hospital officials at the London Clinic in England the order to pull the plug on the life support system attached to her comatose husband Thursday.


Dalawang parte ang balita. Ang isa ay ang may karapatang magclaim ng body.


This developed as the British Embassy granted Mrs. Arroyo a visa to England, setting off a possible row between her and a certain “Grace Arroyo” in claiming the body of the late congressman.
Lawyers of Mrs. Arroyo said they believe this Grace Arroyo, a businesswoman whose real name is Grace Ibuna, had claimed to be the wife of Rep. Arroyo.
Friday night, Mrs. Arroyo was all set to fly to London to claim the remains of her late husband.
She aired strong suspicions that it was Ibuna, who had passed herself off as the legal wife of Rep. Arroyo, and was the one who authorized the unplugging of the life support system that resulted in the solon’s death.


Let me tell you a story na nangyari sa Pilipinas noong ako'y bata pa. UHu uhu.


Nagsisimula pa lang ako noong magturo at nagsisimula pa lang akong magsubmit ng aking SALN (government employee ako eh at ang assets ko ay ang aking lupa sa paso) nang makilala ko ang naging barkada kong babae. We're so close na ako ang naging ninang niya sa kasal later kahit halos pareho lang ang edad namin. 


Nakilala ko ang kaniyang mother na isang dating teacher sa Mindanao. Pero hindi ko nakikita ang father niya na madalas naman niyang banggitin na isang attorney. In fact bago naospital ay dinalaw kami sa university at pinakilala sa akin kasi ang kulit ko noh. Habang nasa ospital, salitan sila ng mother niyang magbantay kaya minsan take over ako sa klase niya. Namatay ang father niya. Cardiac arrest. Gusto naming magpadala ng bulaklak pero hindi siya nagmemention kung saan ang burol. 


Pero ako isinama niya sa lamay, isang gabi. Wala ang mother niya sa burol. Hindi rin siya makalapit sa kabaong. Ibang pamilya ang nag-aasikaso sa kaniyang yumaong ama. Hindi ako nag-usisa sa kaniya. Hinintay ko siyang magsalita.


Pag-uwi namin, saka niya sinabi na hindi sila ang tutuong pamilya. Ikalawa lang sila. Hindi kasal ang ama't ina niya. May legal family na siyang may karapatan sa kaniyang ama. Mayroon pang ikatlong pamilya at katulad nila ay nasa tabi lang silang namimighati. 



Walang nakaalam sa kaniyang lihim maliban sa akin. Sa aming pagsasamahan, halos sabay kaming nakabili ng bahay, nakapagpundar ng assets na ikinataba ng aming SALN. Maliit lang ang suweldo namin at masasabing wala kaming kapasidad bumili pero tuwing bakasyon naman sa eskuwela, tiyempo na preparation ng mga income taxes. Hindi naman kami nagpapabayad ng mga itlog, manok at gulay. Isda pwede pa at tosino. hehehe. Saka nanghoholdap din kami ng bangko, nagnananakaw ng mga paintings... sus, pinapanood ko na pala ang sinusulat ko. Erase, erase, erase. Wala siyang minana sa kaniyang ama pero tumulong pa siya sa hindi masyadong mapalad na mga kapatid niya sa ama.


Wala na ang kaniyang ina matapos na magmigrate sila sa Canada. Hindi na kami nagkita. Pero alam ko ako ang ginawa niyang dahilan noon para makapunta siya sa Bicol para ma"silo" niya ang kaniyang naging asawa. Kaya nga ginawa nila akong ninang eh. Matanda raw ang maging Cupid. 


Ang buhay talaga parang life. 

Pinaysaamerika

No comments: