Advertisement

Saturday, January 21, 2012

Tinimbang ka at kung huli man at malamig, malamig pa rin

Dear insansapinas,


Malamig


Hindi ito oversize bag of tea at hindi rin miniature pillow ng manika o kaya ng aking daliri. Ito ay pampainit. Let me esssplain.


Apat na oras ako sa opisina ng doctor ko kahapon. Naghihintay. Arghhhhhhhhhhhhhhhhhh@#$%5. Inaayos ko ang gagawing mga procedures bago ang operasyon.


Tuwing may papasok, nagrereklamo na malamig daw. Talaga naman. Brrrrrrr. Kung inimpeach lang ang weather, kahit na hindi alam ng prosecutors ang ginagawa nila ay maiimpeach ito ng walang postponement ang trial. Argh. Bakit napunta doon. Sabi nga ni Monsod:


In any case, even after only four days, most of us, or at least the impartial observers, will agree that the following has been made clear:


The prosecution panel, or rather, those who have so far participated, came without really doing their homework, or are inexperienced, or—even worse, some combination of both. Why can one say this? Just listen to Enrile constantly reminding them to rephrase their questions, or asking them to stop treating their own witness as a hostile witness, or having to cut short the second day’s proceedings with the remark “o, ayon lang pala ang gusto niyo, e—postponement,” or words to that effect.


REWIND


So pagdating ko sa bahay namulikat ang paa ko sa lamig. Dalawang patong na ng makapal na med socks ang suot ko. Nakatalukbong na ako ng kumot. Ginaw pa rin. Full blast na ang heater.


Pagdating ng kapatid ko, binigay sa akin yang parang tea bag. Painitin ko raw muna bago ko ilagay sa aking paa.


Tamang-tama, pupunta ako sa bathroom kaya inilagay ko muna sa balikat ko. AHHHHHHH
Nawala. Baka nahulog. Hinanap ng kapatid ko. Wala namang nahulog. Tapos bigla akong napaso sa aking underarm. Lintek, dumausdos pala. Very useful ito lalo pag nasa labas at talagang malamig ang panahon. Darating kasi and winter huli na. At least dito walang snow, sa Midwest meron. Erm, erase that. Pagdungaw ko sa bintana, parang white Christmas. May snow. Wala namang sinabi ang weather forecast ah.


Tinimbang ka

Nakaupo ako nang matagal sa reception ng doctors office. Ako na lang yata ang di natatawag. Hinala ko tuloy, pinaparusahan ako dahil ako ay mareklamo. Pero napansin ko naman na pagkatapos kong magreklamo, nagkakaroon sila ng magandang sistema. (pasensiya na kayo, magaan ang aking silya, Para akong si Cuevas, naglelecture. Force of habit talaga. Bigyan mo nga ako ng mic, lelecturan kita kahit nanaginip ka na). Last year, nagreklamo ako doon sa magulong doctor's order na ang daming oras na venirify kung ano nga ba yon. Yong iba kasing med sec, hindi nila alam ang code ng hepatocellular carcinona at ang number nito, Ngayong nareceive ko ang bago ay mayroon na silang computer-generated form (hindi evidence ha, nakasingit na naman). First encounter ko ng mga ganiyang incompetence ay noon sa pharmacy na ibang gamit ang naibigay sa akin. Nireklamo ko dahil baka napatay ako ng gamot na yon, the following week, meron na silang pinapipirmahan kung saan kinoconfirm na yon nga ang gamot ko. Galing ko noh? pak, pak. Narcissist.


Pero hindi yan ang topic sa aking tinimbang ka. Ito ay tungkol sa dalawang timbangan. Hindi ito yong impeachment trial at trial by publicity. Oppps, bakit napunta na naman doon. Salbaheng daliri ito. Ito ang mga timbangan doon sa aking breast surgeon at primary care physician. Mas mataas yong sa primary care ng two pounds. Ibig bang sabihin, dumagdag ako ng timbang ng wala pang isang Linggo eh wala na akong ganang kumain?


Kaya habang naghihintay ako ng tawag sa akin, inoobserbahan ko ang mga dumarating. Isang babae, ang timbang siguro niya kasimbigat ng dala niyang bag. May dala kaya siyang kawali doon? Yong dalaga naman, napakaslim na bagay din ang kaniyang bag (purse ang tawag dito) na sa liit ay kasya lang ang kaniyang cell phone. Yong pitaka niya nasa kaniyang bulsa, Nagbag pa.


Yong matandang babae ay medyo nasa heavy side din. Kasimbigat siguro siya ng bag ko na may lamang baon ko, isang extrang sapatos, folding umbrella at mga kunik kunik na noong may nagkamaling may maglaslas ng bag ko ay nabutas nga ang leather, pero hindi makuha ang pitaka ko dahil sa daming "traffic" sa daanan. 


Rewind
Pagdating ko sa bahay kahapon, tuloy ako sa aking timbangan. Mas mababa. And the winner is....


Pinaysaamerika

No comments: