Advertisement

Monday, January 02, 2012

Dissertation na hindi nakakain

Dear insansapinas,

Hindi ko na sana papansinin ang topic na ito, kaya lang maraming sumasawsaw na hindi naman nila naiintinidihan kung anong klaseng hayup ba ang dissertation. Hindi ho ito ang kinakain pagkatapos ng main course. At kaya may controversy ito ay dahil nasaktan ang journalist na nagsulat tungkol sa issue.  Nature ng Filipino ang gumanti kung may pagkakataon kaya hindi matapos ang mga negativity. Parang pingpong, balikan na lang. 


Sa ating higher education, Commission on Higher Education (CHED) ang namamahala sa mga private schools, kagaya nang pag-approve sa mga bubuksang kurso, pagsara ng eskuwela  at katulad ng pagbigay ng special order para sa bachelor's, masteral at doctoral graduates. Ang DepEd naman ang hanggang high school lamang.


Ang mga private schools ay nag-a-undergo ng accreditation mula sa CHED. Nirerekesa ang kanilang faculty staff kung may mga masteral (kaya ang schools naman ay nirerequire ang mga faculty na magtapos ng masteral within a certain period. 


Ang mga eskuwelang ma kalidad ang pagtuturo kung saan ang mga graduates ay nagtatop sa board o kaya ay nagreregister ng maraming mga board passers ay nabibigyan ng autonomy ng CHED para i-manage ang kanilang programs with less restrictions but with more options to decide on the operation of the school, academic-wise.  Para na silang state universities kung saan hindi kailangang dumaan sa CHED para madeclare lang ng graduate na ang mga nagsipagtapos, kasi may sariling charter ang mga state universities na mga ito.  Hindi bending the rules yon.


Ang doctoral program ng ganitong eskuwela ay pwede ring magsubstitute sa dissertation. Kahit na sa ibang bansa ay practice ito. Mas pabor nga ito sa candidate kasi tama lang na i-testing siya sa kaniyang special skills/knowledge na hindi maari sa dissertation,


Sa dissertation kasi kailangan mong idepensa ang iyong research (walang problema) pero ang problema ay ang panel na magtatanong saiyo. Kagaya nang nangyari sa akin (pasensiya na kayo may sisingitan kasi) ang panel ko ay mga doctor nga (na hindi marunong mag-opera) pero susme naman, Doctorate sa Philosophy, may Doctorate sa Math (okay siya pero ang kalaban niya ay computer na), may Doctorate sa Education, blah blah. Isa lang ang Doctor na Vice-president ng Finance ng banko na hindi naman Finance ang background, napromote lang dahil sa seniority. Kaya habang nagdidiscuss ako ng aking dissertation, ang mga mukha nila ay may nakastamp na HA? Habang binubuno ko ang mga monetary at fiscal policies at nirerelate ko sa mga historical data at extrapolated statistics, sila ay naghahanap kung saan namissed ko ang period, comma at mali ang aking grammar (hala sa adviser at editor ko).


Samatalang kung treatise yan (totoo ang sinabi ng isang commenter na ilang hagdan lang ang taas sa essay ) ay maipapaliwanag mo ang gusto mong sabihin. kung ano ang iyong sariling opinion na hindi na kailangang gamitin mo ang pormang title, abstract, review of related literature, methodology at iba pa.


Ang honoris causa ay parang regalo sa mga taong generous sa university. Sa US, minsan buong building wing ang dinodonate para mabigyan ng doctorate and donor. Si Bill Gates, nabigyan ng honorary degree ng Harvard. Huwag ninyo akong tanungin kung ilan--ilang milyon. woops.


Sa Pilipinas, professorial chair naman ang pinamimigay. Hindi yong upuan, hane. Iyon ay funding para sa aapply sa professorial chair.


May kakilala ako noong presidente na dahil nailigtas ang buhay ng doctor, binigyan ng honoris causa ang doctor at the expense of the university's budget. 


Nang mayroon kaming isang professor na mainit ang mata sa mga may doctorate, iniisa-isa niya ang mga taong ito, kesehodang gumastos pag-abroad.



May mga nahuli siyang mga may doctorate galing sa correspondence school. Ngayon, online na yan. Mayroong may doctorate na muntik nang matanggal dahil hindi niya alam ang practice pala sa bansang yaon ay mauna ang last name. 


Kahit na ilang toneladang honoris causa,  hindi pwedeng gamitin ang title na Doctor sa pangalan. Parang it is a polite way of giving an invited resource person a toga that would not embarrass him for being with people with higher academic degrees. Siyempre may exception na kahit dinidiscourage, ginagamit din dahil malaking honor sa kanila na hindi natapos ng degree ang makasuot ng three stripes.


Alin ang mas matindi, yong nag-aaral ng short term course or seminar type na lecture at nagtatagal lang ng isang taon, pagkatapos pagdating dito sa Pinas ay ikiclaim na Harvard graduate na sila. TSE.


Pinaysaamerika

No comments: