I almost missed my schedule in the hospital by 30 minutes because of watching the video of the impeachment trial. And as usual, I was not able to edit my previous blog since I was in a hurry. (palusot pa eh) . Nakadapa ako sa loob ng MRI, ang impeachment trial ang iniisip ko. Tanong ng technologist, you are okay? Ni hindi ko naramdaman yong tinusok sa aking mahabang syringe para malagyan ako ng IV para sa contrast. Masyado talagang obsessed sa net.
I left when the discussion was about the alpha list. What is alpha list? Marami na ngang hindi madistinguish ano ang kaibahan ng SALN sa ITR, dumagdag pa ang AL at hindi pa nila pinaliwanag ang practice nila sa Supreme Court na walang kailangang magfile ng ITR kapag nasa alpha list na.
Bakit di nila ipinaliwanag kaagad na walang ITR at alpha list lang ang ebidensiya ng income na tinanggap ni Corona at ang kaniyang withholding taxes na hindi pa isinubmit sa BIR ng Supreme Court. Sa normal na procedure, hahanap ng ITR sa BIR ang taong interesado sa documentong ito. Aba kailangan parusahan din ang BIR. Nairemit ba ang mga taxes na winithold?
Why did they start with the request for the authentication of ITR when there is no ITR to speak of because there were no ITRS filed by the Chief Justice. Salbahe kayo ha. The alpha list is not an ITR. It is merely a list of the names of the single income taxpayers and their corresponding income and taxes paid as provided in the NIRC. Sec. 51.
Corona may fall under this subsection.
(c) An individual whose sole income has been subjected to final withholding tax pursuant to Section 57(A) of this Code; and
The prosecutor said that they could not present it because it contains the names of other individual income taxpayers.
So Arthur Lim, said that THERE ARE NO ITRS. And he insisted that they could not present the alpha list but he is asking for its authentication. So what is going to be authenticated? I am also screaming Senator Santiago.Naku salbahe 2 ha. Pinagmumukha ninyong tanga ang mga senator judges at mga observers. Ahahay Tse.
Pero naisingit nila yong kanilang mga ebidensiyang gustong isingit. Lahat kasi napatanga sa alpha list. Meron ba noon tanong ng marami ?
Para sa akin, hindi rin pwedeng basehan ng tunay na income ang alpha list dahil ang basis ng tax ay ang basic salaries lang.
Ulitin ko (Kulit) kailangan iquantify ang lahat na natatanggap na biyaya ng mga government officials at halos hindi na nila nagagalaw ang kanilang sweldo. Ano ba naman ang silbi ng reimubursement at liquidation of cash advances sa kanilang mga budget?
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment