Advertisement

Tuesday, July 12, 2011

Blind Item na nakarelos ng lima


Dear insansapinas,
Mahilig din ako sa relos. May expensive, may mura na paghiningi sa akin ng magnanakaw, ibibigay ko kaagad may kasama pang box. Pero itong relos na pinag-uusapan dito ay million ang mga halaga.






photocredit: bling
Mahuhulaan ba ninyo itong actress-TV-host? If you can, pakikialaman ba ninyo dahil pera naman ang ginastos niya? 



GAANO katotoo na bumili ng limang mamahaling relo ang isang actress-tv host na iba-ibang design? Almost P2 million daw ang isa. Umaabot ito ng almost P10 million.
Wala namang problema dahil malaki talaga ang kinikita ng actress tv-host sa kanyang mga ini-endorse at mga teevee shows. Kayang-kaya niya talagang bumili ng mga expensive na relo.


Pero, mainit lang talaga ang mata sa actress-teevee host dahil sa pagkakataong ito, isa siya sa dapat manguna sa pagtitipid at tumulong sa tao sa sunud-sunod na kalamidad na dumarating.
Kesa nga namang magpabongga sa limang relo na binili niya, sana nga lang ay naghinay-hinay siya dahil nakaaapekto raw ito sa posisyon ng pamilya niya.

Pinaysaamerika 

No comments: