Advertisement

Thursday, July 28, 2011

Airbrushing, Phone Scammers and Nora Aunor

Dear insansapinas,
May nagtatanong bakit daw mas mabagal ako ngayong mag-blog kaysa noong namimilipit ako ng sakit sa tiyan at madalas akong tulog. Kasi Virginia, nagkaroon ako ng allergy sa mata at may eye drop akong ginagamit oras-oras kaya akala mo palagi akong umiiyak. Malabo pa ang mata ko.


Tnatanong tuloy ni Dencios kung bakit hindi ako nagbablog pagdating ni Nora Aunor. Dencios, mabait ako. Sinusunod ko po si Kuya Germs (hahaha) na maniniwala lang akong dumating  siya pag nasa airport na siya.
Pag hindi siya natuloy, hindi kaya siya pumayag na hindi kasama si John Rendez? Uyyyy.


Kawawa naman ang nagbibigay ng despedida. Dumarating naman siya sa despedida pero hindi naman pala siya tutuloy umalis. Saka ilang araw lang naman yon bakit may despedida pa.


Ako nang lumipad dito sa US, ang daming despedida. Panay chicken ang handa. Pwede na siguro akog lumipad kaysa sumakay sa eruplano sa dami ng nakain ko. BURP.


Buti nga kung dumating si Nora Aunor para naman mabuhay ang entertainment world. Sawa na ako sa mga pakulo ni Ruffa tungkol sa kaniyang dating asawa para mapag-usapan lang. Pati ang nawawala niyang sapatos ay pinagtiyaan eh ayun naman sa mga tsismis, suki naman yong driver na yon ng kaniyang production assistant.


Sawa na rin ako sa mga pa-blind item ng sikat na celebrity endorser. Para mapag-usapan may bago siyang gimick, BLIND ITEM. Hulaan ninyo kung sino. Dapat kerek kayo diyan.


Sawa na rin ako sa mga walang kasubstance -substance na article na pati sampalan at pangalan ng magiging anak ni Regine ay nasa front page pa. SUS.


Airbrushing
Kung nagtataka kayo bakit napakaganda ng mga models sa ad, ito ay dahil sa airbrushing. Sa Tagalog. RETOKE ng retrato.


Ipinagbabawal na ito sa UK.



Britain's Advertising Standards Authority has banned an ad featuring model Christy Turlington because of excessive airbrushing.
The advertising watchdog also banned an ad featuring actress Julia Roberts for the same reason.
The Guardian reports that the two ads were pulled because they "breached the advertising standards code for exaggeration and being misleading."
Sa Pilipinas, hindi ipinagbabawal at pag nagkamali kang magcriticize, away ang abot mo. Di ba Shang totoo?


Phone Scammers



Madalas ako sa living room ngayon dahil aya kong antukin kaya nakikita ko sa screen ng TV ang number ng teleponong tumatawag. Kahit may Do not list dito, nakakalusot pa rin ang mga telemarketer at fund raisers at mga collectiong agencies na karamihan wala namang kokolelktahin saiyo pero bully daw ang dating. Pag may tumawag kasi na hindi ko kilala ang number, chinecheck ko sa computer at nandoon ang mga reklamo ng mga tinatawagan. 


Lately may tumatawag galing sa California. Una ang ginamit ay private phone. Di ako pumipick-up niyan.
Ikalawa gumamit ng cell phone na akala mo ba personal ang tawag. Chineck ko sa internet, notorious na collector daw. Kahit wala silang utang at walang credit card ay tinatawagan sila at hinihingan ng bayad.


Ngayong hapon ay may tumawag. Parang telepono ng kaibigan ko sa California. Dalawang number lang kaiba. Hindi ko pinickup dahil kung importante, mag-iiwan ng message.
Pagkatapos tinawagan ko ang number. Disconnected na raw. Tingnan mo ang modus operandi nila, nagagamit nila ang telepono kahit disconnected na. Kahit nga government trunk line na machine ang sumasagot na hahacked pa rin nia.



Sandali, oras na ng Disorder in the Court. Patliament Meeting sa isang bansa, Nag-aaway, batuhan. Kaya pala may salang payong. Ginagamit shield. hahaha


Pinaysaamerika

 

2 comments:

Anonymous said...

Mam Cathy,

Nalaman ko kasi si Nora dahil aabangan daw sa TV ng parents ko. Noranian, lalo nanay ko. Excited dahil titignan daw niya kung nagparetoke talaga. Hehe.

Speaking of Airbrushing, LAHAT ng magazine dito sa Pinas, suki nyan. Mapa-fashion or Sports magazine. Naalala ko tuloy cover ni Jinkie Pacquiao na nagmukang si Lucy Torres. Hehe.

Dencios

cathy said...

nadparetoke raw talaga. idinemanda pa niya yong nagretoke.