Advertisement

Saturday, July 30, 2011

Blind Item na may Make -up

Dear insansapinas,


Isa pa sa pinakhihintay pag SONA ay ang red carpet walk ng mga senador, kongresista at ang kanilang mga asawa na nagpapalisahan sa ternong suot ang mga kababaihan. Dahil alam nilang sila ay tenetelevise of kinukunan ng retrato, ang mga babae masyado silang partikular sa kanilang make-up. Isa na ang senadorang ito. Zino Ziya?


Kung patalbugan lang ng ‘beauty’ ang labanan sa Kongreso, hindi talaga magpapatalo ang isang mambabatas na gagawin lahat para maging angat ang kanyang alindog.
Nito kasing nagdaang 2nd State of the National Address (SONA) ni President Noynoy Aquino, talaga namang kontodo-ayos ang beauty ng mambabatas na ito na halos yata lahat ng make-up ay ipinahid na sa kanyang mukha.
Sa opening pa lang ng second regular session ng 15th Congress last Monday morning eh rumampa na ang lady lawmaker na ito at kapansin-pansin ang napakakapal na make-up nito sa mukha.
Sabi nga ng ilang amuyong sa Senado, kulang na lang daw ay magtanim na ng kamote ang mambabatas na ito dahil sa sobrang kapal ng make-up nito.



May ilang employee naman ng Senado ang nagbulong sa TONITE, nagmukha na raw bangkay ang mukha ng mambabatas na ito dahil daw sa sobrang kapal ng make-up nito sa mukha.
Gayunpaman eh lumitaw din daw ang ganda (kuno) nito sa kanyang makapal na make-up at rumampa na parang isang modelo sa red carpet sa Lower House noong SONA ni Pangulong Aquino.
Pero bulong naman ng ilang media, kung maumbok lang daw ang dibdib ng mambabatas ay talagang katakam-takam ito subalit dahil flat ito, nabawasan daw ang alindog nito.

Clue: Madalas binoboykot ng media ang committee hearing ng senador na ito dahil madalas na sa hapon niya ito ginagawa. May letrang A ito sa kanyang pangalan.
Dindo MatiningJULY 30, 2011 SATURDAYAbante Tonite

Pinaysaamerika 

No comments: