Advertisement

Friday, July 01, 2011

Blind Item na Kukurap-kurap

Dear insansapinas,


photocredit: MSNBC
Pati naman ang Palasyo, meron ding blind item. Yong huli ay tungkol sa tatlong Cabinet members na nagbibigay ng sakit ng ulo ng Pangulo, na binigyan naman ng maling opinyon ni Valte.

Ngayon may pangalan niya. Kaya lang nalito ako Virginia. Sa Remate kasi si Ricky Carandang ang pinangalanan. May galit ba sila kay Carandang?

Ito ang balita:
3 Gabinete na ‘sakit ng ulo’ ni PNoy tinukoy na
Jun 30, 2011 4:09pm HKT INIHAYAG ng isang source na ang tinutukoy ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na nagpapasakit ng kanyang ulo ay mula sa mga opisina ng communication, peace at tourism.
Aniya, posibleng ang tatlong miyembre ng Gabinete ay sina Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Secretary Ricky Carandang, Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Teresita Deles at Tourism Secretary Albert Lim.
Idinagdag ng source, na tumangging magpabanggit ng pangalan, na posibelng masibak ang tatlo sa lalong madaling panahon.
Paliwanag pa ng source, dismayado na umano si Pangulong Aquino sa dami ng mga kapalpakan ng tatlong opisyal kaya’t napipilitan ang Pangulo na idepensa ang mga ito.
Aniya, baliktad ito dahil dapat ay ang Gabinete ang nagtatanggol sa Pangulo.
Si Carandang ay pinaghihinalaang nagbubunyag ng mga embargo speeches ni Pangulong Aquino sa isang malaki at kilalang television network.
Si Deles naman ay arogante umano, na minsan ay nauwi sa di-pagkakaintindihan kay Lanao del Norte Rep. Fatima Aliah Dimaporo.
Ang nakasakit naman sa ulo ng Pangulo sa kaso ni Lim ay ang logo scandal noong 2010 at ang nabagalan sa pagpapasigla ng turismo sa bansa.
Hindi ako naniniwala dito. Panis na ang mga dahilan.


Ito ang balita sa inquirer. 


 President Benigno Aquino III may soon be able to throw his headache pills into the Pasig.
Three Cabinet members whom the President had complained about last week for supposedly giving him bad news about their departments without offering him ready solutions were identified by a Palace source on Thursday.
They are Tourism Secretary Alberto Lim, Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles and Presidential Political Adviser Ronaldo Llamas, according to the MalacaƱang official, who asked not to be identified because the official has no authority to speak to the media about the issue.
Reached for comment, Lim said briefly: “Sorry I am abroad and cannot comment on something I have no personal knowledge of.”


Deles sounded surprised when contacted by phone. She said she was not aware that she was one of the three officials the President was referring to, although they do discuss problems regarding her office.
Llamas could not be reached for comment.
BAKIT BA PALAGING NASA ABROAD ITONG TOURISM SECRETARY PAG TINATANONG. Reverse tourist yata siya.


Tingnan nga natin kung heads will roll na this time. 


Pinaysaamerika





No comments: