Advertisement

Thursday, June 09, 2011

Blind Item na maliwanag pa sa araw

Dear insansapinas,


Bilib din naman ako sa pagmamahalan ng dalawang ito. Ikanga, through thick and thin, thru tsunami and earthquae, sila ay magkasama pa rin. Marahil siya lang ang nagmahal sa actress-singer. Yong iba ginamit lang siya ng kaniyang kasikatan.  Kung totoo ito, magkahimala pa kaya para siya makabangon. 
May problema na naman ang isang actress-singer tungkol sa pananalapi. Ayaw siyang tantanan ngayon ng mga kababayan nating inutangan niya sa ibang bansa, abut-abot ang pag-i-email ng mga ito sa kanya kaya rindido ngayon ang aktres-singer.
Ayon sa aming source ay kaka-iba ang sitwasyong ito para sa aktres dahil masigasig ang kanyang mga pinagkakautangan na kasuhan siya, hindi sila katulad ng mga naunang producer na kesa siya tutukan sa paniningil ay pinabayaan na
lang ang kanyang pagkakautang kaya laging nakaka-lusot ang singer-actress sa kanyang mga problema.
Kuwento ng aming source, "Natural, nangutang siya doon sa mga tao na pinangakuan niyang ba-bayaran through shows, sisingilin talaga siya! Hindi naman ma-liit na amount lang ang inutang niya, daan-daang libo 'yun, alangan namang pabayaan na lang siya? Nakaka-loka ang mga emails ni (pangalan ng singer-actress) du'n sa mga tao, parang siya pa ang may karapatang ma-galit at ma-inis sa paniningil sa kanya, eh, siya na nga itong may dapat bayaran du'n sa mga tao!
"Ang lakas-lakas pa ng loob niyang ma-galit, samantalang napaka-linaw naman ng kanilang pinag-usapan na kung hindi niya ma-ga-gawa ang show, eh, i-ba-balik na lang niya ang perang inutang niya. Hindi nga niya na-gawa ang show,nagka-problema raw siya sa boses niya, kaya paano na ang inutang niya sa mga producer? Ang sagot niya, kung kelan daw siya magkaka-boses, mag-hintay na lang 'yung mga kausap niya.
"Galit na galit sa kanya ang mga kababayan natin, nag-si-sisi sila kung bakit pa nila pinatulan si (ang actress
singer) nu'ng makipag-usap sa kanila, nakinig na lang daw sana sila sa mga producers na nag-payo sa kanila noon na huwag mag-bi-bigay ng paunang bayad du'n sa singer!" kuwento ng aming impormante.
Ang ipinagtataka ng mga producer ay ang pakikialam sa sitwasyon ng ka-relasyon ng aktres, ito raw ang mas matinding mag-salita, talagang bina-bastos na sila nito.
"Ewan naman kung bakit kasi mag-kasama pa rin sila ngayon, samantalang nagka-jinx na nga si (ang actress-singer) nang dahil sa kanya!


Grabe siyang mag-email, bastusan talaga ang alam niyang laban, minu-mura niya ang mga pinagkakautangan ng ka-relasyon niya. Puro pintas ang gina-gawa niya, sinabi pa niya na kapag nagka-pera sila nu'ng singer, pati ang kaluluwa ng mga kababayan natin, ba-bayaran nila! Gan'un siya ka-bastos, sila na nga ang may sabit, sila pa ang may ganang ma-galit. Lalo na 'yung lalake, grabe siyang mag-salita, bina-baboy na niya 'yung mga tao," kuwento pa rin ng aming source.
Sinulat ni Cristy Fermin, sa Bulgar
Pinaysaamerika 

2 comments:

Anonymous said...

nora aunor???

cathy said...

maliwanag ang sikat ng araw.