Advertisement

Sunday, June 26, 2011

Blind Item na nakataas ang kilay


Dear insansapinas,

Hindi siya artista pero para siyang artistang mahilig sa mga pagpapaganda. Hindi ko sasabihin ang pangalan kaya lang assignment na ng mga nasa PHL. Masdan nila ang kung sino sa mga appointees (hindi elected) na ito ang di na gumagalaw ang kilay at siya ay maputi dahil gumagamit din siya ng pampaputi. 

Kilay ng appointee ni PNoy ‘di na gumagalaw sa sobrang botox Hindi lamang nagpapahid ng mga lotion na pampaputi sa balat ang ginagastusan ng appointee ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kundi sa pagpapabanat ng kanyang mukha at regular na pagpapa-derma bukod sa pag-inom ng gamot na nakakaputi.
Ito ang dagdag na impormasyon ukol sa appointee na ito sa isang mahalagang ahensya ng gobyerno na ayaw maarawan dahil tiyak na masisira ang kanyang kutis.
Ayon sa DPA ng TONITE, kahit may katandaan na ang appointee na ito as in senior citizen na, ayaw pa nitong isuko ang kanyang magandang kutis kaya naman naglalaan ito ng malaking halaga para hindi mangitim ang kanyang balat.
Nabatid ng DPA ng TONITE na hindi kuntento sa mga lotion ang mamang ito dahil umiinom pa ng gamot na ginagamit ng mga vain as in balidoso’t balidosa, para pumuti ang balat.
Hindi lamang puwedeng sabihin kung ano ang brand ng gamot na iniinom ng mamang ito pero epektibo dahil lalo itong pumuputi habang tumatanda kumpara sa kanyang mga kaklase na matatanda na ang itsura.
Pero hindi pa rin kuntento ang appointee na ito dahil hindi umano ito pumapayag na kumulubot ang balat sanhi ng kanyang katandaan, dahil mayroong itong suking doktor na nagbabanat sa kanyang balat.
Kapansin-pansin umano ang pagpapa-botox ng appointee na ito dahil walang kulubot sa mukha pero masama ang epekto dahil hindi gumagalaw ang kanyang kilay dahil sa sobrang pagbanat.

Pero ang hindi malilimutang gawin ng appointee na ito kahit abala ito sa kanyang trabaho ay ang pagdalaw sa kanyang dermatologist para alagaan ang kanyang kutis sa buong katawan.
Naiiling na lamang umano ang mga kasamahan ng appointee na ito dahil siya ang nangingibabaw sa pagandahan at paputian ng kutis kapag dumadalaw sila sa MalacaƱang.
Hindi kasi taal as in orihinal na tisoy ang mamang ito, pero dahil sa matinding pangangalaga sa katawan ay nagkukulay dayuhan na ito na tila nalahian ng dugong Pinoy.
Clue: Ang appointee na ito ay ipinakiusap lamang ng kanyang kaibigan kaya nakapasok sa gobyerno ni PNoy. Mayroon itong inisyal na M as in Matandang maganda ang balat.
Bernard Taguinod JUNE 26, 2011 SUNDAY
Hala hanapin ninyo na.

Pinaysaamerika

No comments: