Advertisement

Saturday, June 25, 2011

Blind Item na hindi na kumakanta

Dear insansapinas,

Totoo kaya ito? 
Marahil hindi na siya masyadong kilala ng mga kabataan ngayon pero active pa rin ang mga kasabayan niya. Siya ba ang may dating asawa na paborito ko  na nagkaroon din ng cancer at nagpagamot sa California bago namatay? Hindi naman kasi ako mahilig manood ng mga concerts sa Pinas kahit dito sa States at lalong hindi ako tumitili. Minsan libre pa ang ticket lalo pag  walang bumili masyado ng ticket ng concert. Pagdating diyan sa Pinas, kuntodo ang balita ay succesful ang concert.


(Tuluyan na bang nawasak ang kanyang buhay?)


Tinilian noon ng mga kababaihan at ng mga kabadingan ang may edad nang male singer ngayon. Konting kaway lang
niya, ma-la-lakas na sigawan na ang maririnig mo. Ganu'n nga siya ka-sikat noon at ka-guwapo para maging idolo rin
siya ng mga kolehiyala.


Miyembro siya ng isang sumikat na grupo ng mga machong kalalakihan. Puro matitikas ang kanilang pangangatwan,
bukod pa sa mga makikisig sila, kaya kinabog nila noon ang kahit anong grupo.


Ang iba niyng mga kasamahan ay nasa ibang bansa na, ang iba naman ay nan-dito pa rin pero puro may edad na sila
at naglakihan na rin ang mga katawan na bumura sa kanilang kamachuhan.

Kuwento ng aming source, "Hindi niya minahal ang trabaho niya, pati ang katawan niya, kaya hayun, na-lulong siya
sa bisyong dapat isuka ng kahit sino dahil wala namang ka-hi-hinatnan ang buhay niya.


"Napaka-hina niya sa kaway ng droga, nagpaka-lulong siya, kaya unti-unting bumagsak ang hitsura niya. Malayo
pa lang siya eh alam mo nang meron siyang gina-gawang kabalbalan, hindi niya 'yun mai-ta-tago. Nakapang-hi-hinayang
ang lokong 'yun dahil sa grupo nila, eh, siya ang talagang hiningan ng mga bagets pa noon. Guwapo kasi siya,
maganda ang bukas ng mukha niya, saka siya ang pinaka-komedyante sa grupo nila.


"Pero sa lahat pala, eh, siya rin ang madaling susuko sa buhay, nu'ng unti-unti nang nawawala ang ningning ng
kasikatan nila, hindi ang pamilya niya ang in-asikaso niya kundi ang mga granatsa sa buhay na wala namang
kahihinatnan," simulang kuwento ng aming source.


Nakaka-lungkot dahil ngayon ay kung saan-saan na lang siya makikita, mukhang kawawa, humpak na ang pisngi at
bagsak na bagsak na ang pangangatawan niya.


"Nang-hi-hingi na lang siya ng datung ngayon sa mga artistang pulitiko. Naka-lahad palagi ang mga kamay niya,
nanghihingi ng pera. Nu'ng una, eh, marami pa siyang nahihingian, hindi kasi alam ng iba na lulong pala siya
sa droga. Pero nu'ng mag-simula nang lumabas ang mga kalokohan niya, wala na siyang maaasahan dahil tinatanggihan na siya," kuwento uli ng aming source.


Nakaka-awang-nakaka-inis ang kahinaan ng disiplina ng male singer na ito, kung inayos lang sana niya ang kanyang
buhay nu'ng pa-hupa na ang kasikatan ng grupo nila, 'di sana'y hindi ganyan ang ina-abot niya ngayon? Paano pa
siya ka-kanta ngayon tungkol sa katawan at legs, eh, ganyan na ang hitsura niya? Ano'ng part pa ng katawan
ang puwede niyang kantahin ngayon, eh wala na nga siyang maipag-ma-malaking pangangatawan?" clue pan ng aming
napapailing na impormante.
ni Cristy Fermin, Bandera
Pinaysaamerika

No comments: