Advertisement

Tuesday, June 21, 2011

Blind Item ng mga Reyna at Bituin

Dear insansapinas,
Sa US pag hindi expert o authority ang nag-eendorse ng products, meron silang disclaimer na actor o actress lang ang nasa commercial. 


photocredit: msnbc 
Sa Pilipinas halos celebrity ang mga endorser ng mga produkto at malalaki ang mga bayad sa kanila. Kaya palakasan silang makakuha ng endorsement.

PAK: Napapanood na ngayon ang bagong TV commercial ng isang produktong pang-kusina na kung saan ini-endorse ito ng apat na malalaking artista.
Ang isang version ay pinagsamahan ng dalawang box-office actress kasama ang kanilang anak.
Ang isa naman ay tandem ng dalawang kontro*bersiyal na TV at movie personality na ina rin pero ’di kasama ang kanilang anak.
Totoo kayang hindi magkasama na kinunan ang dalawang kontrobersiyal na TV at movie personality na ito dahil ayaw ng isa sa kanila na magkasabay silang kinukunan?


Sipatin n’yong mabuti ang commercial na ito kung anong magic ang ginawa para lumabas na magkatabi lang sila at magkasamang ini-endorse ang produkto.

source: PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon)

Parehong my title ang mga personalities na ito. Para silang reyna at malaking bituin.

Isa kaya sa kanila ang tinutukoy ng BI na ito?

A not so credible endorser 

IT’S hard to believe na merong talent na umaatras for a million peso offer for endorsement ng isang product. Pero isang sikat na female TV host daw ang nag-beg off. Is it against her principles o may conflict lang sa kanyang heavy sked? O baka naman di na niya kailangan ang sobra–sobrang pera?

Natatandaan namin noon si Cesar Montano, ang bida sa bagong sitcom ng GMA7, ang “Andres de Saya” opposite Iza Calzado, na tumangging mag endorse ng isang cigarette product. Million pesos din ang halaga pero dahil sa prinsipyo niya, tinanggihan niya ito.

Meron naman kaming alam na isang female actress na kaliwa’t kanan ang endorsements, pero sa toto lang, she is not using any of the products. Mga imported ang ginagamit niya. At ano ang ginagawa ng aktres? Well, ipinamimigay niya ito sa mga katulong dahil sa kanila lang daw ito bagay.

My goodness.

Bong de Leon
Saturday, June 18, 2011
Journal Online

Pinaysaamerika

No comments: