Advertisement

Monday, June 27, 2011

Blind Item na OK lang

 Dear insansapinas,


MAG-ASAWANG DATING MAMBABATAS AT SIKAT NA PERSONALITY, NAG-PA-PLASTIKAN, PARA 'DI OBYUS NA HIWALAY NA,

(Kalat na kalat na sa talipapa, wala kayong "K" mag-deny...)
ni Lourdes Abenales, Bulgar

Para umano hindi ma-halatang hiwalay na ang mag-asawang kilalang pesonalidad, laging magka-dikit ang mga ito,

lalo na sa pag-pa-pakuha ng picture nang minsang dumalo ang mga ito sa isang special na okasyon ng isang mambabatas.

Ayon sa ating bubuyog, lagi umanong tina-tawagan ni babae ang kanyang mister na isang dating mambabatas kapag

may picture-taking sa nasabing okasyon at lagi silang mag-katabi sa pagpapa-picture.

Napag-u-usapan daw kasi sa nasabing okasyon ng ilang bisita na hiwalay na ang mag-asawang ito at para ma-tigil

umano ang chismis, tinawag ni babae ang kanyang mister (Dating mambabatas) at pina-upo sa kanyang tabi.

Ito namang si mister, lumapit agad sa kanyang misis na para bang na-hulaan niya agad ang ibig nitong sabihin.

Kuwento pa ng ating bubuyog, habang nasa okasyon umano ang mag-asawang ito, lagi na silang mag-kasama hanggang
sa pag-pa-pakuha ng picture.

Halata naman na mukhang nag-ku-kunwari lang naman ang mga ito, dahil kitang-kita sa kanilang mga ngiti ang

pagiging plastik sa harap ng maraming tao. Ayon sa ating bubuyog, marami umano ang nakaka-alam na ma-tagal
nang hiwalay ang mag-asawang ito dahil marami umanong bagay na hindi nila napag-ka-kasunduan.

Kuwento pa ng ating bubuyog, ilang buwan lang umanong nag-sama ang mag-asawang ito at napa-balita na ang
kanilang pag-hi-hiwalay.

Pinaysaamerika

No comments: