Advertisement

Wednesday, June 29, 2011

Skyflakes, Cat Food, Perfume and Engagement

Dear insansapinas,


Active ako sa College  noon sa mga drama, poetry reading at mga iba pang performing arts. (Pasensiya na kayo naka-activate ang buhatin-ang-sariling-bangko-kung-mabigat-o-walang bumubuhat button ko. Ahem)


 Stage actress kasi prof namin sa English kaya marami kaming ekstrakurikolar activities.  Nanalo nga akong Best Actress sa isang college fest namin  as a battered wife who snapped and killed the husband. Natural ang arte ko Virginia, noong  naloloka na. haahaha. Rekomendado nila ako sa isang acting classes/workshop pero hindi ako pumayag. Eh kung maging sikat ako.Poproblemahin ko pa ag pagbili ng sampaguita leis pag ako may mga appearance.  nyahaha. Yong kasama ko, ipinagpatuloy ang acting career niya. Ayun naging sikat as in sikat. 


 Ang paborito kong snacks noong nagrerehearse kami  ay Skyflakes. Kahit ngayon naman, bumibili ng Skyflakes ang brother ko sa Filipino store. Breakfast ko na yon with coffee or tea. Kaya pala madali akong mag-emote. Kasi sabi ni Rafa Santos. Rafa Santos WHO?


Siya ang anak ni Atty. Katrina Legarda na nagsabi:


Short film director Rafael Santos says he prefers theater actors over mainstream artists because, “You can feed them Sky Flakes three meals a day, and I pay them in cat food basically.”
Ang baba naman ng tingin mo sa mga artists Dung. Elitista ka talaga. Tseh.


Perfume and Engagement


Ngayon lang namin napagtanto na totoo pala ang tsismis na sa ibang mall na-pull- out na ang business ni Hayden, samantalang may ibang tindahang ayaw na ring magtinda ng kanyang produkto. Nakapapagod na raw bumugaw ng langaw.


 Gaano kaya kalalaki ang langaw? Kaya ba pinatutsadahan niya si Mega dahil mabenta at mura pa yong kaniyang pabango?

Pero kahit na bagsak na ang kaniyang negosyo, nakasandal pa rin siya sa pader lalo nga at engaged na sila ni Vicki Belo. Tsismosa ninyo uy.


Inamin ni Dra Vicki Belo na engaged na sila ng kanyang longtime boyfriend na si Hayden Kho Jr. Totoo kayang may magaganap na kasalanan sa darating na Nobyembre?
Sa ulat ni showbiz reporter Cata Tibayan, sinabi nito na very sweet ang controversial couple nang dumalo sa isang social event.
Dito ay sinagot ni Dra Vicki ang mga katanungan tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Hayden.

Eh ano nga ba ang pakialam natin kung doon siya maligaya. At least di na siya nagdedeny.


Pinaysaamerika 

No comments: