Advertisement

Tuesday, June 14, 2011

Blind Item na nandidilat

 Dear insansapinas,

Hindi na makontrol ng sikat na actress-TV host ang humahabang sungay ng kanyang anak na pinasok na rin ang showbiz.
Palibhasa, nasa murang edad pa lang ay marunong na siyang mamuhay ng independent, nakapagdesisyon na siya ng para sa kanyang sarili na hindi na niya kailangang humingi ng payo sa kanyang ina.
Napag-alaman na tinanggihan nitong young actress ang endorsement ng isang fast food chain na dating iniendorso rin ng kanyang ina.
Hindi lang namin sure kung pagsasamahin sila sa endorsement na ito pero ang mismong ina na nito ang nakiusap sa anak na tanggapin na ito, pero ayaw talaga.
 Ang sabi sa kanya ng kanyang anak, ayaw niyang i-endorse ang fast food chain na ito dahil hindi siya kumakain ng junk food.
Walang nagawa ang kilalang actress-TV host at pinipigilan na lang ang sarili kahit gustung-gusto na nitong sabunutan ang kanyang anak.

source: philstar

Kaya`ba walang sey ang mother dear sa kaniyang boyfriend?

 

Pinaysaamerika

No comments: