Advertisement

Monday, June 06, 2011

Blind Item na hindi bulag

Dear insansapinas,

Uminom ako ng painkiller early morning kaya ngayon para akong palaging hinihila sa kamaslashcouch para mahiga. Para akong sinuntok ni Pacquiao na tulog agad kaya pati ang sinusulat kong blog ay di ko matapos-tapos. Kaya ito na lang blind item na bulagin mo man ay kasing linaw pa ng sikat ng araw. 

Ito ang istorya:

Noong panahon na nasa kainitan ng kanyang career ang isang multi-talented na beteranong aktor ay nakapag-pundar siya ng mga properties at naka-ipon nang ma-laki, kaya pati ang pag-po-produce ng pelikula ay kanya ring pinasok.

Patok at kuwela naman ang kanyang mga nagawang pelikula kaya kumita lahat sa takilya. Milyones din ang talent fee ng masayahing veteran actor kaya nakakapamuhay siya nang ma-alwan kahit sustenado ang mga anak na may kani-kanya nang pamilya.

Galante rin sa chicks ang dating sikat na beteranong aktor. Sunod ang mga kapritso ng mga nagiging ka-relasyon niya noon. Bonggang-bongga kung siya ay mag-regalo sa chicks. Kaya naman, pawang naggagandahang babae ang na-ugnay sa kanya.

Pero sa pagkaka-edad ng dating super sikat na aktor, humina na ang kanyang mga pelikula at pinagkakakitaan. Minsan, may TV show siya, minsan wala. Akala ng mga anak niya ay uma-apaw pa ang pera ng beteranong aktor. Pero ang hindi nila alam, ang ka-relasyon nitong singer-actress ang tumutustos ngayon sa mga gamot at iba pang pangangailangan ng respetadong aktor.

Sobrang mahal ng singer-actress ang masayahing veteran actor. Hindi nag-bago ang kanyang pag-ma-mahal kahit wala nang kita ang may-edad nang ka-relasyon. True love niya talaga ang beteranong aktor.
Kaya ba walang usapang kasalan?

Mahulaan kaya ninyo?

Pinaysaamerika

2 comments:

biyay said...

grabe naman yung mga nak ng aktor na yan. lumpo ba sila at di makatayo sa mga sarili nilang paa? ang mahirap nyan, baka pag wala na dito sa mundo yung aktor, pagbintangan pa ang singer na winaldas ang naipon ng aktor. sakit sa ulo ang ganyan. makapag-dolfenal nga muna

cathy said...

sustentado yata sila noong malakas pa ang kita.