photocredit
I do not want to discuss about the photo of Nora holding a cigarette. She has been living in the US and she knows that no smoking regulations are strictly observed here in the US.
She said, “Kriminal ba ‘yung ginawa ng tao o ano? Masyadong pinapalaki ‘yung isyu. Bakit, ngayon lang napansin na naninigarilyo ako?”
Aunor was recently criticized by the Philippine Medical Association (PMA) for the bad image she was conveying in the said photograph.
Diyan lang naman sa Pilipinas, tinatapakan ang batas lalo ng mga kilalang tao. Alam kasing makakalusot. Isa pa sama-samang nagtatanggol kahit mali. Siyempre editor si Maglipon, isipin mo nga namang bawiin ang mga magazine na may retrato ni Nora.
Sabi ko ayaw kong i-discuss pero di pa lumalamig ang issue, ito pa si Anne Curtis. Meron ding sigarilyo. Hindi sa binabatikos ko ang naninigarilyo. Pero kung bawal sa publiko, huwag manigarilyo. May karapatan din kasi ang ibang taong huwag makaamoy ng sigarilyo.
Sa opisina namin, hindi naman pinagbabawal ang manigarilyo pero sa labas sila ng opisina. Dahil malamig kung minsan, ang mga kasamahan naming smoking ay nagtitiyaga sa fire escape na kung minsan maraming mga tae ng ibon. Ewww.
Pinaysaamerika
2 comments:
mga gago at kulang sa pag unawa ang bumatikos......sigarilyo lang naman ang hawak ni nora aunor at anne curtis....ano pa kaya kung ang hawak ay condom nasa bunganga....ang mga pinoy talaga walang magawa....batikos dito, batikos doon...
Arvin,
iba-iba ang opinion ng mga tao at may kaniya-kaniya silang dahilan sa kanilang paniniwala.
Kagaya sa amin dito na nasanay na pati ang artista ay kailangang sumunod sa mga batas, mga regulasyon, mga etika na dapat obserbahin maging milyonaryo man kagaya ni Paris o kaya ng pinakahighest paid na si Charlie Sheen, maaring ang aming opinyon ay naimplwensiyhan na dito.
Sa Pilipinas na basta may kaya, may katungkulan o kaya ay popular ay tila teflon na hindi pinapayagang masabing mali o marumi.
Bilib ako kay Nora sa acting but that does not give her a license to do what runs counter with some norms which are for public good.
Post a Comment