Advertisement

Thursday, September 22, 2011

Lights, Camera, Action in the Restroom-subtitle Bakkkeeet

Dear insansapinas,

photocredit
1. Bago na ang CSI, Hindi na si Lawrence Fisburne and lead actor. Si Ted Danson na. Mas gusto ko siya. Siguro kasi identified si Fishburne as a movie villain. Para bang yong mga teleserye na gusto mong sabunutan yong mga nagpapahirap sa bida.  Bakeeet kasi ayaw na ni William Petersen bumalik? Tatanggapin ko na siya kahit nagpakasal siya kay Sarah. uhu. 


2Starbucks spy camera in the restroom. Sa IHOP kahapon, chineck ko muna kung may surveillance camera. Idinemanda kasi ang Starbucks branch sa Washington DC ng invasion of privacy ng isang customer nang madiskubre niya na may camera sa loob ng restroom. Balita pa pati sa mga branches sa California, meron din.


Bakeeet, my mga espiya ba sa loob ng restroom? Sus.


3. Uso pa ba ang rapping ngayon? Hindi yong binabalot ang regalo ha. Yong kumakanta. Bakit yong platonic friend ng isang Star ay binubuhay ang kaniyang career as a rapper. May career ba siya noon.


Bakeeet ginagastusan pa ang pagrecord ng mga albums niya noon na wala naman yatang naibenta. Ang mga dati nang sikat noon na si Nonoy Zuniga, Rico Puno, Rey Valera nagsasama-sama sa concert dahil hindi kaya ng isa lang ang maghakot ng tagahanga,  siya pa kaya na mukha ng DOM at wala pang naging concert (?).  


 Bakkeet ano ba ang pakialam ko?  Tseh,


4. Nang mapabalitang boy friend ng isang mahinhing TV host ang isang politician, may lumabas na blind item na may-anak naman daw ito o may-asawa (?) 


Pinatunayan ng pamilya na single pa ang politician dahil tanggap nila ang TV Host. Ngayon nablind item naman na isa itong kabaro nang mabalitang pakakasal na sila ni TV Host.



Bakeet binablind item ito palagi? Wala akong alam kung sino ang gumagawa nito.  Hindi ako naniniwalang papatulan ng Palacio ang balitang ito. 


Wala talaga akong alam kung sino ang may ayaw sa Female TV host. Pramis. uh uh.(iling sa kaliwa, iling sa kanan) Kahit suhulan pa ninyo akong ng isang dosenang pancake. Bakket ba pinapatulan ko ang mga blind items na ito?


Iba pang BAkkeet


1. Balit ang relos, papunta sa kaliwa ang oras?


2. Bakit ang flush handle ng toilet nasa kaliwa?


3. Bakit di ginagatasan ang baka sa kaliwa?


4. Bakit maraming kaliwaan?


Bakkeeeet, bakkket (Thud) Hinimatay sa stress.


Pinaysaameria







No comments: