Advertisement

Thursday, September 22, 2011

Good News-Bad News

 Dear insansapinas,
 photocredit
Isa munang patalastas.

I felt nauseated this morning. Yong tatanungin ka ng :ANO KA HILO?

After my cancer treatment, my doctor gave me a prescription for nausea and vomitting as side effects of chemo in the system. I have not taken a single pill since I did not suffer much from the side effects. Yon bang tatanungin ka, KAYA MO BA? Kaya pa, sagot mo naman, pero ang iba. (thud) nawawalan ng ulirat.

So noong medyo hilo talaga ako and I have to lie down the couch, tanong ko, DELAYED REACTION?
O baka naman ang dami nilang kinuhang dugo kaya wala ng dugong masyadong lumabas sa aking tusok ng karayom at ang tanong saiyo, KULANG KA SA DUGO? Eniwey, I decided to eat breakfast. Nawala ang hilo. Aleluya. Para bang yong sasabihan ka ng GUTOM lang yan pag nagpapantasya ka.

Ngayon, punta tayo sa topic. Diplomat talaga ang US Ambassador. Bago magsasalita ng medyo negative about the Philippines, positive muna ang sasabihin niya. Kagaya noong about China. Inassure niya na friend ang US ang Philippines at handa itong tulungan ang bansa pag may nang-api. Kinabukasan, nireprimand niya ang Pinas tungkol sa effort nito sa human trafficking.

Good news ulit.
US Ambassador to Manila Harry K. Thomas Jr. was effusive, on Thursday morning, in praising the Aquino administration for bringing “honesty” in government

Bad news:


MANILA, Philippines—While the Philippines is a model for other countries in combating human trafficking, a lot still remains to be done because up to “40 percent” of  foreign male tourists visiting the country come here primarily for sex, according to US Ambassador to Manila Harry Thomas Jr.


Less than ten years ago, I had encountered a US expat who immortalized our cyber quarrel in the website where he was a contributing writer. Not that sikat ang website na yon (nababasa raw sa buong Asia, ewan ko kung buhay pa yong website hindi yong expat. Yong expat, hindi ko na nababasa) pero binira niya ako na kung hindi makapal ang aking 
mukha    I mean,kung di ako palakain ng tinapay na paciencia, siguro hindi natapos ang sagutan namin about sex tourism. Well he was just stating facts but for an expat to write that he can escort tourists to places where they can avail this type of tourism, I saw red. Contradictory yon sa claim niya na malaki ang itinutulong niya sa promotion ng Pinas.  Talaga 'teh. Pula. Kaya bilang isa sa mga apo ni Tandang Sora, ginamit ko ang espada ng Jedi para siya kalabanin. Sobra ang debate namin na napikon siya dahil nagtuturo raw siya ng MBA sa Graduate School at malakas siya sa isang pinakamayaman sa Pinas. SO? Buti hindi ko siya sinabihan na bakit pumuputok ang butchi niya. Ahek.

Doon nagsimula ang mala- Star Wars kung pakikipagsapalaran sa cyber bilang blogger na may super hero complex. Ipinagtatanggol ang naapi, minsan siyang nang-aapi (erase, erase). Ikalawang website na  itinayo para i-dedicate sa akin. ay gawa ng isang Pinoy na nagdodoctorate sa US.  Siguro kung ako ay nasa loob ng website na yon at yon ay isang torture chamber, lasog-lasog na ako. Buti na lang mahaba ang aking mga kuko. Pero hindi ko ginantihan ang mga nagtulong tulong sa aking i-bully ako. Never heard pa ang cyber bullies noon. 


At yon ay dahil lang sa ipinagtanggol ko si Patricia Evangelista (oo, Virginia, yong columnist ngayon at nanalo sa isang speech contest sa UK). May naipublish siyang human-interest-story na gawa-gawa lang pala noong nanay na iniwan ng kaniyang lover.  Self pity at low esteem,ang sinabi niyang sila ay nagtravel sa ibang bansa at naloko. Pagkabasa ko ay may pakiramdam ako na parang may mali. Pag nagtatravel ka, malayong mang yari yong sinasabi niya. Pero ang aking pagtatanggol naman ay hindi yong mali ang istorya kung hindi dapat tolerant yong mga critics ni Pat dahil probie pa lang siya sa journalism. Kung yong mga beterano, NASUSUNOG din. 

Sandali bakit tayo napunta kay Pat, eh tourism ang pinag-uusapan natin. Sabi noong expat karamihan daw ay sa Visayas marami nito dahil magaganda ang mga Pinay. Forty per cent ang sabi ni Ambassador, ibig sabihin niyan,60 per cent na lang ang tatargetin ng Department of Tourism.

Sandali, hilo na naman ako. 
Pinaysaamerika
.

No comments: