Advertisement

Thursday, September 01, 2011

Blind Item na hindi na kailangan ang crystal ball at ang diet coke

 Dear insansapinas,

 Sabi nga ni Simoun sa El Filibusterismo, walang api kung walang magpapa-api. Sabi ko naman, walang matatalo kung walang magcacasino.

Dalawang blind items ito. Gamitin ninyo ang kaliwa at kanan ninyong mata. 

Blind item 1
Back to her old ways ang sikat na personalidad. Back to her old ways as in dumalaw na uli siya sa casino.
Kung hindi aawatin ng sikat na personality ang sarili, baka bumalik ang pagkalulong niya sa sugal.
Ang balita ko, kulang-kulang sa kalahating mil­yon ang ipinatalo sa casino ng personality na favo­rite song yata ang kanta ni Gary Valenciano na Di na Natuto.
Eh salbahe rin naman ang mga itong magsulat. Sa parehong araw meron din silang artikulo na binanggit ang pangalan. Nagblind item pa. SUS.


MANILA, Philippines - Ay marami palang nakakita kay Nora Aunor na bumisita sa casino.
Pero walang idea ang nagkuwento kung nanalo o natalo ang superstar nang rumampa siya nung minsan sa Manila Pavillion.
Puntahan kasi ang nasabing lugar kaya mara­ming nakakita sa kanya.
Akala nila lihim ‘yun pero hindi naman daw pala. May mga lalabas na rin.
Baka naman kasi naglilibang lang ang superstar mula sa kanyang sunud-sunod na trabaho. Tapos nagkasakit pa siya so baka nag-a-unwind lang.
Matagal nang ini-issue sa superstar ang casino na hindi naman niya itinatanggi sa mga naunang interview sa kanya dahil wala nga namang masama.
Pera naman niya ang puhunan niya. Pinagpaguran at pinagtrabahuhan.
Blind item 2
AKTRES, NANGUNGUTANG NA NAMAN PARA I-TUSTOS SA PAMILYA NG JOWA
(Problemado sa dumating na BF...)
ni Ed De Leon, PM

Ma-laki ang problema ng aktres. Hindi niya akalaing napaka-laking halaga pala ang hi-hingin sa
kanya ng boyfriend niya sa pag-dating nito dahil diumano sa mga bagay na kailangang ayusin
sa kanyang pamilya.

Totoo ba na naghahanap na naman siya ng ma-u-utangan at pinangakuang babayaran agad, oras na
masingil ang kanyang talent fee?
Akala ko ba wala silang kaugnayan? Sabi ng lalaki para raw nanay niya lang o nakatatandang kapatid.  Sino ba ang pinag-uusapan natin? Ewan ko sainyo, Alam ko nanjohn lang sa tabi-tabi at kumuha oa ng manager.


Diet Coke

Sabi ni PNoy, ang love life raw niya ay parang coke, from regular, naging coke zero. Ang asawa naman ng kaibigan ko ang love life para ring coke, from regular to diet. Nahuli kasi siya eh.

Sandali ano nga ba ang pinag-uusapan natin? Ano nga bang araw ngayon? 


Pinaysaamerika

No comments: