Kakaba-kaba ang aking dibdib tuwing ako ay pumupunta sa carousel para kunin ang aking checked-in luggage. Paano kung nawala ito?Paano kung nadala sa ibang lugar ? Eh lalo na siguro itong nawawalan ng pusa. Pero ito hindi pa nakakaalis sa airport noong mawala ang pusa.Jack the cat has been on the loose in the American Airlines baggage center at the airport since Aug. 25, shortly before Hurricane Irene barreled through town. The airport was shut down for most of the weekend, but reopened Monday.
Pascoe was flying with her two adopted cats, Jack and Barry, to San Francisco last Thursday to start a new job in California.Lalo kang kakabahan pag pumunta ka sa lost luggage section pag nakita mong nakabukas ang mga luggages dahil naghahanap sila ng address o telephone number para matawagan ka kapag nakita nila ang luggage mo.
In all my travels, isa o dalawang beses lang yata na hindi ako sigurado kung saan napunta ang luggage ko. Ang pinakahuli ay noong umuwi ako sa Pilipinas at nacancel ang flight ko from Detroit to DC dahil sa snowstorm. Nailagay na noong assistant ko yong aking luggage sa conveyor belt kaya ang nadala ko na lang sa hotel ay ang aking carry on. Almost five days ako sa Detroit at di ko alam kung makikita ko pa ang luggage ko. Pero pag dating namin sa Reagan International Airport, hhhhm may familiar na maleta doon. Wala nang nagmamay-ari noon kung hindi ako dahil meron siyang glitters. Lots of glitters.
1. Tip number one. Lahat halos ng luggage ay kulay black at pare-pareho ang yari, Gusto ko sanang bumili ng leopard o kaya ng tiger color pero kailangan pang pumatay ako ng hayup. (Singhot). Pag red naman kasi, nakikita ang dumi. Pag blue o dark green ang labas ay black pag malayo, Kaya nilalagyan ko ng marka ang aking maleta. Yong malayo pa kumakaway na sa akin at "sumisigaw" na ETO NA AKO. Dati ribbon ang itinatali ko sa handle pero nang mamisplaced ang luggage ko from LAX, nakita ko na itinali na nila ng husto ang ribbon. Baka kasi naiipit sa conveyor.
Eh saan napupunta ang nawawalang luggage? Idinodonate ito sa charity. Kung hindi naman, pinadadala ito sa Alabama Unclaimed Baggage Center kung saan sila ay pinagbibili, ukay-ukay style.
Reasons why a luggage is lost:
1. Tsismosa ang personnel sa check-in counter. Nakikita ba ninyo ang strip of paper na inilalagay sa inyong luggage. Diyan nakalagay ang destination ng inyong suit case kahit na ilang eruplano pa ang lipat-lipatan ninyo. Minsan nagchecked-in ako. Daldal ng babae. Nang ikinabit na ang papel, napansin ko Atlanta ang destination o ako ay papunta sa Boston. Sus. Tinawag ko pansin niya. Parang hindi nagkamali, daldal pa rin ng daldal. Yong strip of paper na yon ay may bar code for routing information.
2, Daldalero rin ang mga baggage handlers. Isinasakay sa eruplano ang mga suitcases ng mga baggage handlers. Baka imbes na isakay sa eruplanong papunta sa Boston or SF eh sa Timbuktu inilagay. Human error yan. Wala kang magagawa. Pag nagclaim ka, hahanapin nila ito sa lahat ng airline offices nila.
3. Love your name. Ikalat ang pangalan sa inyong luggage. Ako aside from the name tag na nasa suitcase, bumibili pa ako ng extra. Tapos meron pa sa mga pockets.
4. Hindi ninyo kaagad kinuha ang inyong luggage. Siguro dahil nagkaroon kayo ng dementia nang makita ninyo ang paborito ninyong artista sa airport o kaya may sumundo sainyo na hinndi ninyo inaasahan. O kaya busy kayong magtext.
Tungkol sa nawawalang pusa...Anong pusa? May nawawala ba? Akala ko ba luggage pinag-uusapan natin?
No comments:
Post a Comment